Chapter 30

176 3 3
                                    

HIS POV

*yawn*

Inaantok pa ren ako pero nagising sa isang tawag na nawala din naman. Istorbo! Ang sakit pa na ng ulo ko oh.

Akala ko makakapagpahinga na ko pero nagising ako sa isang sigaw ng isang babae na parang galing sa banyo. Shet! May babae sa kwarto ko?!

"Aaaaaaaahhh! Help! Someone please help me?!? John! Help me!"

O.O

Boses ni Chandria yun ah? Dali-dali akong bumangon at kinatok siya sa may banyo.

"Hoy! Anong nangyari sayo diyan?? Magsalita ka !!! Open this door!!" Sigaw ko pabalik.

"Ehh kasi yung mata ko aaahh ang sakeeet nawalan ng tubig aaahh ang sakeet !!"

Lumabas siya ng nakatapis lang kaya napaiwas agad ako ng tingin. Buti nalang nakapikit siya at hindi niya ko nakikita.

"Ahh wait wag ka magpanic kukuha ako ng tubig." Taranta kong sabi at lumabas ng kwarto.

"Aaaahh bilisan mo !! Ang sakeet."

Naghanap ako ng tubig at buti nalang may bottled water sa ref. Bakit ganon? Ang daming laman ng ref ko? Eh hindi naman ako nagluluto?

Pati yung mga gamit ibang-iba sa pagkakayos at kulay. Kelan pa naging pink yung sofa ko? Ang weird.

"Aaaahh! Paki bilis!" Sigaw niya nagpagulat sakin kaya kinatok ko siya ulit. Binuksan niya naman at inabot ko sa kanya yung bottled water.

"Ohh ok na ba?"

"Ah, oo sige salamat." At nilock yung pinto.

Hinilamos ko yung palad ko sa mukha at naupo sa dulo ng kama.

Lasing pa rin ba ako? O talagang tinawag niya ko sa pangalan ko?

Hindi ko nalang namalayan nakatulog ako sa sobrang kaiisip. Nagising ako sa isang tawag kaya hinanap ko yung phone ko.

"Hello?"

[Nonong! Where na po you?]

"Ha? What's that baby?"

[You said you will watch my dance. You promised Nonong eh.]

And I can hear that she is in the urge of crying kaya napabangon nalang ako sa kama ko.

"Ok baby. Don't cry na. Papunta na ko dyan. Wuv you."

[Wuv you too.]

And the call ended. Dali-dali akong pumasok sa banyo at nag-ayos ng sarili. Kumuha ako ng bagong damit dahil amoy suka ata ako kaso nagulat ako sa nakita ko.

Puro blouse, skirts, shorts na may mga design na pambabae. The hell?! Bumigay na ba ko? Binuksan ko pa yung ibang cabinet at napasigaw na ko sa sobrang gulat.

Kingina! May bra at panty pa!

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at isang babae ang lumitaw dun. "Anong nangyari-" Napahinto siya at tumingin sa hawak ko habang ako nakatitig lang sa kanya. Grabe lalo siyang gumanda.

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Where stories live. Discover now