Chapter 16

323 4 2
                                    

HER POV

After asdfhgjklerty years, nakalaya din. Kapag nakita ko lang talaga yung Angelo na yun makakatikim talaga yun sakin. After foundation celebration pa yung exam ko kaya hindi ko tuloy masyado ma-enjoy.

Sa last day na nga ko naka-attend, tapos naii-stress pa rin ako kasi pag-uwi ko kailangan ko pang magreview. Before naman akong pumasok eh nainform ko na yung barkada na makakapasok na ko ngayon. Tapos syempre kinuwento na nila Julia sakin yung kay Angelo at pati yung ginawa ni John.

Hindi ko talaga maintindihan yung mokong na yun kahit kelan. Kaya nga mamaya pagsasabihan ko nga yun. -_-

"My Lady, may itatanong lang po sana ako." Basag sa katahimikan ni Kuya Kristoff habang nasa biyahe.

"Sige po Kuya, ano po yun?"

"May nanliligaw na po ba sa inyo?" Muntik ko naman mabuga yung kinakain kong sandwich sa sinabi ni Kuya.

"Ho? Nako Kuya wala po" Sabay tingin ko sa bintana. Wala naman talaga di ba? o WALA PA?

"My Lady, tandaan niyo po sana yung laging paalala sa inyo ng parents niyo ah?" Napabuntung-hininga naman ako bago nagsalita.

"Opo, kuya naaalala ko po"

"Eh ano po yung mga nasa labas?" Napatingin naman ako sa labas at miski ako hindi makapaniwala sa mga nakikita ko. Ang daming tao na may hawak na mga balloons at sa harap may karatulang:

"Welcome back, Miss Maria Chandria Buendia."

Ano toh? Hindi naman ako artista or anak ng presidente para magkaroon ng ganitong welcome comeback eh. Napakamot nalang tuloy ng ulo.

"Nako Kuya, baka trip na naman ako ng barkada ko, wala po yan."

"Eh bakit may mga heart sa paligid?" Napatingin naman ako at nagtaka. Bakit? Anong meron ngayong araw? Nakapark na kami kaya bumaba na ko.

"Hindi ko rin po alam Kuya pero aalamin ko po, balitaan ko po kayo pag-uwi." Tumango nalang siya at sinara ko na yung pinto ng sasakyan. Pagkaharap ko may mga students ng nakapaligid sakin.

Ngumiti nalang ako at akma ng aalis pero hinaharangan nila ang dinadaanan ko. Ano ba itong kalokohang ito? Kakainin ata talaga ako ng buhay ng mga ito ah? Tapos maya-maya may nilatag silang red carpet. Bigla naman silang nag-give way na parang sinasabihan akong pwede ng dumaan.

Habang naglalakad natatawa ako sa mga nakalagay sa balloon. May mga:

"I miss you"

"Nagbalik ka rin sa wakas. :)"

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Where stories live. Discover now