Chapter 22

274 4 0
                                    

HIS POV

Nasaktan ko na naman siya. Hays. ANG TANGA MO TALAGA KAHIT KAILAN JOHN! BWISIT!

Binuhat ko siya sa aking mga bisig tapos bumalik sa party para kunin yung kotse.Buti nalang at wala ng nakakita samin kaya binuksan ko na agad ang door ng kotse. Pinaupo ko siya sa shotgun seat tapos nilagyan ng seatbelt.

Before I started the engine, sinilip ko muna siya at napayapa ako ng makita kong mahimbing na siyang natutulog,"Sorry." sabi ko before I kiss her forehead then starts to drive.

Nakarating na kami sa bahay nila ng mapansin kong ang dilim pa rin sa loob at naka-lock pa rin ang gate nila. Napabuntung-hininga nalang ako kasi hindi ko naman siya pwedeng iwan dito sa bahay nila ng mag-isa sa ganyang kalagayan pa.

No choice kaya sa bahay nalang namin kami dumiretso.

Pagpasok namin ng bahay, diniretso ko na siya agad sa kwarto ko. Inihiga ko na siya sa kama tapos kinumutan at binuksan yung aircon.

"Bakit?Bakit?May mali ba sakin?...." nakapikit niyang sabi ng paulit-ulit habang nakakunot ang noo at may namumuong luha na naman sa mga mata niya.

Lumapit ako sa kanya then I point yung nakakunot niyang noo with my index finger tapos pinunasan yung pisngi niya.

"Wala kang ginagawang mali Chandria dahil para sakin lahat ng nasa iyo at tungkol sayo ay totoo at tama" Dahan-dahan akong lumapit sa mukha niya nang---

*riiiiiiiiingggggg

"Oh Mom?"

:Nasaan ka? Patapos na yung party.

"Mom nandito na po ko sa bahay."

:Oh? Anong nangyare?

"Si Chandria po kasi..."

:ANONG NANGYARI SA KANYA?!"

"Ma, kalma ok na siya nagpapahinga na siya dito sa bahay."

:Sige,pauwi na rin kami. Naku! John huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan ah?!

"Mom, I can handle this. Sige po ingat sa pag-uwi. Bye."

*toot toot

Panira naman talaga si Mom oh. Hahaha! Konti nalang eh. Naisipan ko nalang na paghandaan siya ng makakain dahil alam kong hindi siya nakakain kanina dun sa party.

Pero bago ako lumabas kiniss ko muna siya sa noo at ni-lock yung kwarto.

Nasa kusina ako naghahanda na ng sandwich ng marinig ko na ang mga ingay sa labas.

"John! John! Nasaan kang bata ka?!" sigaw ni Mom pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay.

"Mom! Nandito ako sa kusina." maya-maya lang nakatanggap na ko ng isang solid na hampas sa braso mula sa kanya, "Araaay naman!"

"Nasaan siya? Anong ginawa mo sa kanya?!" Nag-eeskandalong sigaw na naman niya.

"MOM! KALMA! ANG INGAY MO! Magigising si Chandria eh, pagod pa naman yun." sabi ko habang hinihimas yung braso kong pulang-pula na sa lakas ng hampas niya.

"ANO?! IKAW TALAGANG BATA KA! ANONG PAGOD?! NAKU! NAKU! ANG BABATA NIYO PA AH! NASAAN SIYA?" At ilang libong hampas at kurot na naman ang natanggap ko mula sa kanya.

"ARAAAAY! MOM NASA KWARTO KO NGA! NAPAGOD SIYA KAKAIYAK! Pinag-iisip mo po?!" sabi ko habang pinipigilan ko yung kamay niyang hahampasin na naman ako.

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon