Chapter 9

390 3 1
                                    

HIS POV

Nakakapagod din pala yung mga nangyare ngayong araw. Makakain nga muna.

May nakita akong parang burger stand.

"Ate isa nga pong footlong, ham and egg, burger with egg and bacon tsaka isang royal nalang siguro, mamaya ko nalang dadagdagan kapag nagutom pa ko. Salamat" at ngumiti akong pagkalapad-lapad.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ng tindera at napangiti nalang din at dumiretso na sa kusina.

Iniabot niya muna yung inumin ko habang naghihintay maluto yung mga inorder ko.

Matapos ang ilang minuto, ay naihanda na rin yung mga inorder ko.

"Mukhang nasampal kayo ng girlfriend niyo Sir ah?" Muntik ko ng mabuga yung kinakain ko sa kanya kaya naman napa-inom nalang ako sa inumin ko.

Girlfriend? Psh. Yung amazonang yun? NO WAY!

"HA HA HA HINDI PO! May amazona lang naman pong transferee ang sumampal niyan ng tatlong beses! Grabe po noh? Tapos.. tapos...." Bla bla bla at ikunuwento ko na yung nangyari kay Ate.

"So hindi mo nga girlfriend?" Natatawa niyang sabi.

"Nako! Baka mapatay lang ako nun kung sakali man-----"

"Nako in-denial ka pa" Matuksong sabi ni Ate.

"Hi..hindi po ah"

"Hindi daw pero namumula" Babanat pa sana ako ng---

"AY NAKO! MAY BABAENG HINIMATAY!" 

Napatingin naman ako dun sa tinuro niya. HUH?! 

Hindi toh pede. Si Chandria?

Dali-dali akong pumunta sa kanya pero hindi ko siya nasalo kaya nakabagsak na siya.

"Nako dali kawawa naman toh oh mukhang binully siya, dalhin natin sa stand ko" Hinawi ko ang buhok niya. Siya nga toh. Pero bakit ganto yung itsura niya?

Isa lang ang pumasok sa isip ko. Yung announcement ko at maaari ring si--------Zharm.

Lintik na.

"Dali dito mo muna pahigain, mukhang sobrang napagod talaga siya ah, sana makonsensiya yung taong -------" Di ba nakuwento ko kay Ate? -_-

"Opo opo hindi naman talaga ito yung plano ko eh"

"Pero nangyare."

"Ako nalang po mag-uuwe sa kanila."

"Sige iho bilang kabayaran sa mga ginawa mo sa kanya. Lahat ng nangyayaring hindi mo inaasahan ay may dahilan."

"Opo pasensya na po" Nakayuko kong sabi.

"Pero bago yun halatang hindi pa siya kumakain kaya namumutla oh, ito dalhin mo pakain mo nalang sa kanya paggising niya."

"Maraming salamat po! Ito na po ang bayad ko sa lahat-lahat"

"Minsan ang kabutihan ay hindi na kinakailangan pa ng kabayaran"

"Nako! Ok lang po yan Ate babalik-balik nalang din po ako dito para kumain" 

"Osya sige na nga, maraming salamat din at mag-iingat kayo"

Kahit ganto toh ka-sexy ang bigat pala ng babaeng toh. Medyo inayos ko ulit yung pagkakabuhat ko sa kanya na parang pang.bride nang maramdaman kong nagkakamalay na siya.

Nako baka masuntok naman ako nito kapag nalamang ako yung-----

"Sa...sa...salamat Jo...hn" then nakatulog na naman siya.

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Where stories live. Discover now