Chapter 25

191 2 0
                                    

HER POV

Paglabas ko ng bahay nadatnan ko kaagad siya na nakasandal sa may sasakyan niya.

The eff?! Bakit pa-cool pa rin siya after ng mga nangyari? Tsk. Hindi niya ba alam na sobra akong nag-alala sa kanya? I mean sa kanila?

"Oh ano na kamusta siya?"Cold kong sabi pagkalapit ko sa kanya.

Sumusulyap-sulyap ako sa kanya ng palihim pero parang wala lang siyang naririnig. Kainis naman oh! Makapasok na nga lang sa loob ng bahay. "Nevermind. Papasok na ko."

Pero nagulat ako ng hilain niya ko palapit siya kanya. Sumubsob ako sa bandang chest niya at dun ko narinig kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya. What a lovely sound. Para siyang music na ang sarap pakinggan ng paulit-ulit.

Kaso bumalik kaagad ako sa realidad, di ba dapat galit ako sa kanya?! Pinilit kong pumiglas pero wala akong magawa ang higpit ng yakap niya.

"I'm really really sorry, please stop this now."

I sighed before answering him, "Fine, if that's what you want. Let's stop this non-sense relationship-" Pero nagulat ako ng sinuntok niya yung sasakyan niya gamit yung free hand niya.

"Bullshit!"

Nakakatakot. Grabe yung aura niya. Para siyang monster na umaapoy yung mga mata sa sobrang galit at sakit?

"B-bakit?" Nauutal ko pang sabi. Bakit nga ba? Bakit siya nagkakaganyan? Di ko na talaga siya maintindihan. Mamaya ok kami tapos mamaya hindi na naman.

Siya tong nagsabi na itigil na daw ah? Hindi naman ako ganoon ka-desperada para pilitin pa siyang manligaw sakin kung ayaw na niya sakin di ba? Kung may iba ng nagpapatibok ng puso niya di ba? Bakit ko pa ipagpililitan ang sarili ko? Kasi kahit saang anggulo man natin tignan, ako lang ang masasaktan kapag ipinagpatuloy ko pa ito kasi natatakot akong baka tuluyan na kong mahibang sa lalim ng nararamdaman ko para sa kanya.

So I decided to run away. But I stopped when I heard what he said.

"Ganoon mo ba talaga siya kamahal ha?!"

Out of curiosity I asked, "Sino?" I managed to control my fear para maramdaman niyang hindi ako natatakot sa kanya pero sa totoo lang gusto ko ng lumayo sa kanya.

"Si Angelo." Ha? What? Si Angelo? Not again.

"A-ano?!" Humarap ako sa kanya kasi hindi ko alam kung saan niya nakukuha yung mga sinasabi niya. "Psh. Don't deny it Cha-Cha ramdam na ramdam ko naman na mahal mo siya eh na ginagamit mo lang ako para makalapit sa kanya. Why you are doing this to me? All I know is mahal na mahal kita pero bakit mo ko ginaganito? At sa akin ka pa talaga nagtext para lang kamustahin siya?! Anong katarantaduhan to Cha-Cha?"

Then I slapped him. "Huwag mo ko huhusgahan ang pagkatao ko hangga't di mo alam kung bakit ako nagkakaganito! Bakit hindi ka nalang umuwi dun sa girlfriend mong si Ivy?! Huwag mo na ko guguluhin!Manloloko!"

Hindi ko na kaya so I break down. I slowly lock the door of my room pagkarating ko sa loob at dun ko iniyak lahat. Bakit ganto? Paulit-paulit nalang akong nasasaktan? Wala na bang bago? Hindi na ba magbabago yung kapalaran ko?

Maya-maya lang nakatulog na ko pero naalingpungatan sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. The fvck! Ang sakit pa man din ng ulo ko. Nung makapa ko na tinignan ko agad kung sino yung hampaslupang tumatawag ng gantong oras.

-.O

Then biglang nag-end. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago tignan ulit kung sino ba yung tumatawag. Pagtingin ko yung yung iba galing kay Angelo, Jas, Neil, etc. Tsanggala naman oh! Ano bang kailangan ng mga to? Miski pangalan ni John nakita ko din. The hell I care?

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Where stories live. Discover now