Chapter 29

213 2 1
                                    

HER POV

It's been 2 years already but I haven't moved on since that day. Since the day I left all of the things behind in the Philippines and start a new chapter in my life here.

"Hey! Are you still listening bitch?!" Bela, my bitch best friend here in London that interrupted me from my thoughts.

"Yea." I lied.

"So after I gave him my number...." She continued her story but I'm nowhere listening.

May nagbago naman kahit paano sa itsura, pananamit, lifestyle, even in my language a little but, I'm still that girl with a broken heart.

Akala ko makakalimutan ko na siya lalong-lalo na yung sakit. Ang hirap para talaga kapag nandito ka na. Yung tipong nakangiti ka kapag nakaharap sa ibang tao pero gabi gabi ka namang umiiyak.

Akala ko this place will be my escape from the past pero hindi. Nagkamali na naman ako sa isang akala dahil may naramdaman kong mag-isa ako. Naging busy si Mommy sa work kaya madalas mag-isa lang ako sa apartment namin.

Lalong-lalo na sa school dahil wala akong kakilala miski isa, nagbabakasali lang ako isang araw na may lumapit na Pilipino sakin at dun ko nakilala si Bela at si Cross.

Nung una pahirapan pa kami sa isa't isa kasi minsan kang sila mag-tagalog at sobrang fluent ng English nila na minsan hindi ko talaga maintindihan.

"Hey! Lunch!" Sabay hila sakin ni Cross palayo kay Bela. Narinig ko pang sumigaw si Bela pero tumakbo na kami ng mabilis.

"Haay nako, ilibre mo ko ah? Nailigtas na naman kita sa hampas ng isang Bela Walter." Bulong niya but I just rolled my eyes. If I know, gutom na naman to kaya nag-aya na naman kumain.

Pero tama naman siya, madalas kasi akong lutang at alam nilang dalawa yung storya ko. At kapag napapansin ni Bela yon, nahahampas niya ko at kahit maliit lang siya sobrang lakas naman niya. Sa aming tatlo kasi, siya ang happy-go-lucky girl.

"Ang sasarap nito Ria, thank you-ay salamat pala. Hahaha!" Sabe nito sabay lamon. Natawa naman ako sa pagsasalita niya kasi pinipilit niya na talaga mag-Tagalog kapag kausap ako para rin daw matuto siya kahit paano.

Napatitig lang ako sa kanya habang kumakain siya kasi ang cute niya eh, lalo na kapag lumalamon. Nakakainggit nga kasi ang payat niya naman pero ang lakas kumain. Unfair!

"What's with that face?!" Asar kong sabi ng makita ko siyang may nakakaasar na ngiti.

"Baka matunaw naman ako sa mga tingin mong yan Ria."

"A-ano?!" At nag-iwas ng tingin.

"Crush mo talaga ako noh? Alam ko naman yon." He said while smirking.

"No way! Bilisan mo na nga kumain." Iwas ko sa topic kasi I feel awkward pa rin kapag inaasar niyang crush ko siya which is true din naman because I admit crush ko talaga siya.

Siguro maliban sa looks niya, masarap siyang kasama, hindi siya nauubusan ng energy kaya nakukuha kong tumawa. Siya ang joker saming tatlo but that's all. A simple crush.

Sa tingin ko kasi, hindi pa ko handang umibig muli. Masyado pang fresh ang sugat at hindi ko pa rin siya totally nakakalimutan. It all takes time.

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Where stories live. Discover now