Kabanata 9

12 0 0
                                    

Kabanata IX:
Coffee


Mabilis kong tinahak pababa ang 4th floor building ng Business Department. Pasado alastres na ng hapon at late nang nagdismiss ang huling prof namin para sa araw na ito.


Wala na naman si Vi ngayong araw dahil sa softball training. Palapit na nang palapit ang contest nila kaya kinakailangan na talaga nilang magtraining ng maghapon.


Mabuti na lang at walang ganong tao ngayon sa paligid at walang nakakapansin ng existence ko. Sa ngayon kasi, halos mag-apoy na ang paningin ko sa kumukulong init ng ulo.


I don't care kung ilang pagbabanta at pananakot ang mga susunod ko pang matatanggap sa locker.


Desidido akong hunting-in ang del Riong iyon dahil nasisiguro kong iyon pa ang papatay sa akin mismo!
 

Nagpalinga-linga ako sa paligid at nagbabakasakali na baka may makita akong del Rio.


Kung kailan ko nga naman kailangan, tsaka sila hindi mahagilap.


Pumasok ako sa student services ng department namin. Nagbabakasaling may del Rio sa loob non.


Sa mahigit isang buwan ko rito sa paaralang ito, hindi pa naman nawawalan ng del Rio ang lugar na iyon.


"Jaemin nakita mo ba si A?" inabutan kong abala sa laptop si Jaemin. Mukhang kataka-taka rito ang pagpasok ko sa opisina. Naabutan ko pa ang bahagyang pagkabigla niya sa pagbagsak ko ng pintuan nang makapasok.


Humarap siya muli sa pagtitipa sa laptop. Inaalala kung saan huling nakita ang pinsan.


"Four. Ahm, Hindi ko pa nakikita si A ngayong araw eh. Bakit? May ginawa ba siya sa'yo?" iniangat niyang muli ang paningin sa akin.


Nakita ko ang pagslide ng mga mata niya mula sa mukha ko papunta sa kamay ko. Nagtagal ang tingin nito sa nanggigigil kong hawak na box ng isang 3-in-1 coffee.


Kanina ko pa bitbit ang kapeng ito sa sobrang gigil sa pinsan nila.


"Wala naman Jaemin. May kailangan lang akong ibalik." Agad ko na siyang tinalikuran bago lumabas.


"Tingnan mo na lang sa Engineering building. Baka may klase pa iyon." Pahabol na suhestyon niya kahit nakatalikod na ako.


"Sige. Pasensya na sa abala." dugtong ko pa bago tuluyang isara ang pinto.


Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kahon.


Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tambol sa dibdib ko. Humina-hina na ito at hindi na gaya ng naghahabulang tambol sa dibdib kanina.


Nasaan ka na bang del Rio ka?


Nalaman mo na bang Montemayor ako, kaya mo ko papatayin sa mga pinagbibibigay mo?

The Fall TherapyWhere stories live. Discover now