Kabanata 14

4 0 0
                                    

Kabanata XIV:
Invitation

Next week, presentation na namin. Pinaghandaan ko 'to for almost 1 month. 

At collaborative work din namin 'to nina Vi at Pio at ng iba pa. 

Tapos iba-vandalize lang ng kung sinuman?

Shet naman.

"Let's just wait, ha. Naghahanap na kami ng pwedeng tumulong sa atin." pampakalma sa aming lahat ni Jaemin nang pumasok ito sa loob ng student services. 

Magkakasama kami ngayon sa student services nina Pio, Vi, at Jaemin.  Pio is patting my shoulder habang tulala lamang ako na nakaupo sa couch.  

Dahil sa nangyari,  Vi decided na 'wag na munang tumuloy sa training ng softball ngayong hapon. 

Agad silang umakyat ni Noreen nang mabalitaan mula sa mga kaklase namin ang nangyari. Dinatnan nila ako sa fire exit na tinutuklap ang unang layer ng plywood gamit lamang ang mga kamay.

Pinasadahan ko ng tingin ang kamay na umani ng mga saludsod. 

Natatandaan ko pa ang pagpigil ng mga kamag-aral sa akin kanina. Ngunit isinawalang bahala ko lamang ito dahil nagdidilim ang aking paningin. 

Hindi ko pa rin ma-gets kung bakit ito ginagawa sa'kin.  I have many belongings na pwedeng-pwedeng sirain, bakit ang back drop pa namin?

Ano bang atraso ko sa kanya?

Go away, freak. Leave them, Montemayor! 

Namilog ang mga mata ko habang inaalala ang naka-vandalize roon.

Sandali.

Pinilit ko ring alalahanin ang mensahe na nasa mga larawan. 

Leave the del Rios alone, Montemayor. 

Why?

Are these messages connected to each other?

Ang mga del Rio pa rin ba ang problema niya? 

Bakit ako?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi sa realization. It became my habit these passed days. 

Naaninag ko ang katabing si Pio na tila nag-aabang kung may sasabihin ba ako. 

"Since walang cctv sa part na iyon, is there a way pa ba para ma-trace ang gumawa non?" Vi asked his cousin habang abala rin ito sa pag-phone call sa kung sino man. 

"Gahd. What took you so long to answer?" mahinang gigil din nito sa sinumang tinatawagan sa cellphone. 

Umiling ni Jaemin doon.
"Don't worry, ipapa-trace natin ang naka-access ng fire exit nitong weekend." he assured. 

Pasado alas-2:00 pm na at hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako sa kung papaano reresolbahin ang nasirang backdrop. Ang iba naming mga kamag-aral ay naging abala na sa pagre-rehearse sa itaas. Kami lamang ni Vi ang tumulak dito sa student services sa pagbabakasaling may mahihinging tulong mula sa kanila. 

Sina Mona at Noreen naman ay naiwan din sa taas upang bantayan ngayon ang mga tinuklap na backdrop. Gusto ko na rin sanang pauwiin si Noreen dahil naabala na siya.

Someone na may personal na problem sa akin ang gumawa nito and I feel sorry dahil marami ang naaabala. Especially kina Jaemin, Pio, Junpei at Yella na tumulong sa amin na matapos iyon. And then my classmates, kasama na si Noreen.

The Fall TherapyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora