Kabanata 12

9 0 0
                                    

Kabanata XII:
Hate

"One. Two. Three. Action!" napasandal ako sa may white board habang pinapanood yung mga kaklase kong nagpa-praktis para sa ipe-present naming midterm play, ang Pandora's Box.

Halos three days akong umabsent mula nang mag-blackout ako last weekend. Ngayon ay Huwebes na at mayroon na lamang kaming almost one-and-a-half-week para mag-prepare. 

So far ay okay na ako at talagang pinagpahinga lang ni Dr. Cristi, ang aming family doctor. According to her, kailangan kong magpahinga because of too much stress. Possible na ang stress ang nagdulot ng tension sa aking back muscle na gumapang daw hanggang ulo.

Of course, my mom was furious at gusto na niya akong pag-drop-in agad sa pag-aaral. Good thing dad explained to her na normal na bahagi ng pag-aaral ang stress. To make sure na okay ako, three days akong hindi pinayagang pumasok. During those days ay inabala ko na lamang ang sarili sa pagsasaayos ng aming loft at pakikipag-video call sa mga pinsan.

Dahil sa nalalapit na midterm examination week, todo kayod ang aming klase sa paghahanap ng oras upang makapag-rehearse. Nagkataong may maghapong program ang aming department ngayong araw kaya wala kaming klase.

Wala akong ibang role sa aming play kundi ang magpinta ng backdrop. Ako kasi ang naatasang maging Production Designer matapos ipagsigawan ni Vi sa klase na mahilig akong magpaint. Halos hindi ako makatingin sa kahit na sino sa klase dahil doon.

Okay na rin siguro iyon dahil alam kong maibubuhos ko ang 100% effort kung ang pagpipintura nga ang maitotoka sa akin.

"Four! Tara na magpintura na tayo! Nae-excite na ko!" - Tawag ni Vi nang makalabas na ako sa classroom at patungo sa pinakadulong bahagi ng floor, kung saan kami magpipinta ng gahiganteng backdrops. Naka-squat siya sa may harap ng tatlong naglalakihang plywood habang ipinakita pa sa akin yung paintbrush na gagamitin.

As usual, magtandem na naman kami sa pag-aasikaso ng tatlong backdrop na gagawin. Siya sana ang gaganap na Pandora. Pero mukhang hindi niya ito trip kaya sa akin siya gumrupo upang kahit papaano raw ay may makatulong ako.

Mataman kong itinali ang hanggang bewang na itim na buhok upang makapaghanda na rin sa pagpipinta. Tanging bangs ko na lang ang nakatakas na buhok. 

Dahan-dahan akong umuupo sa tabi niya. Usual black shirt, jeans at sandals pa rin naman ang aking suot.

"Okay na ba 'tong paintbrush na nabitbit ko? Dinekwat ko lang to sa loob ng baul na pinaglalagyan ng props sa set eh. Hihihihi" may pagmamalaki niya akong nginisian doon. 

Tinanguan ko siya habang maingat na binubuksan ang isang balde ng pintura. Nakalatag na rin ang mga dyaryo sa lapag bilang proteksyon ng sahig.

Matapos iyon ay inilahad ko sa kanya ang inihandang apron. Maiksi naman ang kanyang buhok kaya hindi ito magiging hassle kung magpipintura kami.

Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong malalaking plywood na magsisilbing backdrop. Mabuti na lang at malapit sa dulo ang classroom. Dahil dito ay may access kami sa malawak na fire exit ng building. Aside sa may storage kami ng props, hindi rin kami madadaan-daanan ng tao habang nagpipinta.

Masusi ko munang tinantya ang ratio ng pintura at ng 7X8 plywood na pipinturahan. Kung kaming dalawa lang talaga ni Vi ang tututok dito, there's a big chance na aabutin kami ng gabi. Today lang din halos nagka-free time si Vi mula sa kanilang softball training kaya as much as possible ay kinakailangan naming matapos ito.

Excited na binuksan ni Vi ang isa pang balde, naglalaman iyon ng pure white. Binuo ko ito bilang first layer o enhancer ng mga backdrop color na gagamitin. Abstract lamang ang ipipinta namin to make sure na magko-complement ito sa ilaw at kular ng mga eksena.

The Fall TherapyWhere stories live. Discover now