Kabanata 5

16 0 0
                                    

Kabanata V:
Motocross


"H-hi Pio."


Tamang-tama na ang distansya namin ni Pio. Hindi ganong malayo. Hindi rin ganong malapit.


Napatingin ako sa baba sa pagkabigong naramdaman.


Hindi ko nalagyan ng tono ang pagbati sa kanya gaya ng hinihingi ni A.


Ang simple-simple lang 'non, bakit hindi ko nagawa?!


"Hi!" nakangising nawiwirduhan naman si Pio sa akin.


"I thought umuwi ka na. I didn't expect to see you with..." at pinasadahan niya ng tingin ang lalaking nasa likuran ko.


Nilingon ko rin si A ron na tipid na tinanguan si Pio.


"May lakad sana kami ni Marie ngayon kaya hinihintay ko pa matapos ang klase niya."


Nilagpasan ako ni Pio upang batiin si A sa kung ano.


Wala akong ideya kung malapit na magkaibigan ba ang dalawang ito pero who cares, del Rio, Lo, at Montemayor. Nananadya nga talaga ang tadhana huh.


"Pupusta ako sa'yo mamaya bro." rinig kong umpisa ni Pio na kagaya ni A ay dumungaw na rin sa open window ng floor.


Naging abala na lang ako sa paggilid ng lata ng rootbeer na naitapon ko kanina. Hindi ko namalayang may natirang laman pa pala roon kaya lalong kumalat ang basa sa sahig.


"Ganda ng view." Narinig kong puri si Pio.


Sumipol si A roon.

"Kung saan-saan ka nakatingin. Yung view ba o yung naglalakad?" narinig kong kantyaw nito kay Pio na nakangisi lang.


Pasimple ko silang tiningnan.


Nakangising nakapangalumbaba si Pio roon habang nailing-iling na lang si A na nilalagok na ang kanyang rootbeer. 


Kuryoso ko ring sinilip ang view upang makita ang tinutukoy ni A na tinitingnan ng aking bestfriend.


Bukod kina Vi na abala pa rin sa softball training, nakita ko ang isang babaeng naglalakad sa gilid na may bitbit na isang bouquet. Halos matakpan non ang kanyang mukha.


Tinitigan ko ito nang maigi.


Nagkatyempong mawala ang kumpol ng bulaklak sa kanyang mukha at agad kong namukhaan ang perpektong si Yella.


"How's the flower Four?" ngiting-ngiti ang aking bestfriend doon na tila ba nakikita siya ng babaeng tinutukoy.


Agad akong nakaramdam ng kung anong sakit sa looban.


The Fall TherapyWhere stories live. Discover now