Kabanata 13

10 0 0
                                    

Kabanata XIII:
Feelings



"W-wala akong maramdaman, A."
Umpisa ko nang mahatak niya ako sa malapit na waiting shed.



Tulala akong nakatayo sa gitna ng shed habang abala naman si A sa pagpapagpag ng nabasang windbreaker. Napansin ko ang pagtulo ng ilang patak ng tubig sa kaniyang buhok.



He brushed his hair upward upang mawala ang mga tumutulong tubig. Higit na nadepina ng kanyang ginawa ang panga. Nang matapos sa pagpagpag ng windbreaker ay isinabit niya ito sa kaniyang balikat. As usual ay naka-shite shirt siya at black running pants. Nagmarka ang ilang basa sa kanyang damit kaya mabilis kong iniwas ang tingin doon.  Litaw na litaw ang agwat ng aming mga height lalo na at kaming dalawa lamang ang narito sa waiting shed.



Patuloy pa rin ang ulan sa pagwawala. Nagsimula nang bumukas ilang mga orange street lights sa paligid. Ang pinaghalong gray at orange ang mga primary colors na aking natatanaw sa paligid.



Habang tulala rito ay naramdaman ko ang pagsapo ng isang mainit na kamay sa aking noo. Higit na namilog ang aking mga mata sa ginawang pagsusuri ni A sa aking temperatura.



"Do you want to go home?" alok niya pagkatapos ng ginawa. 



Sinulyapan ko siya at nabatid ang namumungay na malalalim na mga mata. 



Tinanguan ko siya bilang pagsang-ayon.  


Simula nang nasasanay na ako sa labas, may mga pagkakataon na dumadating talaga ako sa puntong hindi ko na alam ang gagawin. It's different before noong nasa bahay lamang ako.



Noon,hindi ako naba-bother sa mga tao sa paligid ko. If i'm bored, aakyat lang ako at magpe-paint sa loft or kakain lang. 



But now is different. Napakabilis kong ma-bother sa mga tao. Lalo na sa mga del Rio.
Am I supposed to feel these things? Ganito ba dapat? 



"Ihahatid na kita. Magpatila muna tayo." saad niya at dinaluhan na rin ako sa pagtulala sa paligid.



Dinig na dinig ko ang ingay ng mga palaka na umaawit sa namagitang katahimikan sa aming dalawa. Kapwa nakatingin lang kami sa paligid habang nagpapatila. From color gray ay nagko-color blue na ang kalangitan.



"What happened?" tanong niya na siyang tumupok sa pumapagitnang katahimikan.



Muli ay nangingibabaw ang unsatisfying feelings na dulot niya sakin. May pamilyar na kirot ang muling nanunumbalik sa akin. 

The Fall TherapyWhere stories live. Discover now