Kabanata 15

10 0 0
                                    

Kabanata XII:
Look test


"Alam mo Four, dapat minamassage-massage mo na yang muscles sa mukha mo. Para hindi sila mabigla kapag gumagawa ka na ng expressions. Hihihi.." naniningkit ang mga mata ni Vi habang minasa-masa ang pisngi ko. Litaw na litaw ang kanyang cheekbones sa matamis na ngiti.


Magkaharap kami ngayon sa isang maliit na lamesa dito sa set. Ngayong araw kasi naka-schedule ang aking look test bilang bahagi ng paghahanda para sa role.


Katatapos lamang ng midterm examinations namin last week. Kaya naman mag-i-start na akong sumama sa shooting ng nila Kela, kung saan ako na yung gaganap na Annie - yung ghost lady character na dating ginaganapan ni A.


Sa wakas ay naging successful din ang isinagawa naming play  para sa World Lilt. Sa tuwa ng aming teacher, nagpaalam pa itong iuwi ang tela na may paint namin bilang souvenir. Wala na ulit ang pananabotahe na nangyari sakin. Dahil sa magandang outcome, halos nakalimutan na ng lahat ng aking classmates ang nangyari sa una naming backdrop.


Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa kung sino ba ang gumawa non. Sa susunod na araw ay mayroon kaming dinner ni Pio. Plano kong ikwento sa kanya ang pinakanangyari sa aming backdrop. 


Naiwang tulala pa rin ako habang minamasa-masa pa rin ni Vi ang aking pisngi.


Ayon kay Kela, nasa 40% na ng scenes ang mga nate-take nila. Ang 60% na natitira raw ay mga scenes kung saan andoon ang character na ipo-portray ko. Ang character na may pangalang Annie iyon.


At dahil tapos na ang aming midterms, plano ko ring ipasa na mamaya ang pinirmahang Agreement. May ilang request lamang ako na gusto ko sanang ipadagdag doon. Isa roon ang pagsasama sa headcount ng isang tao, na maaari kong isama sa tuwing may shooting.


Ayon nga kay Gino, kailangang maging mas maingat ako kapag kasama ko ang mga del Rio. Posible na kamuhian nila ako gaya ng ginawa nila kay Gino.  Kaya naman as much as possible, sisikapin kong palaging may makasamang iba whenever I'm with them. It can be Marie, or Pio, or sino pa man.


"Halika na Four. Me-make-up-an na kita." lumapit na si Miki sa amin ni Vi kaya naawat na ito sa ginagawang pagmamasa sa akin.


Dahan-dahan akong tumango kay Miki at nagpaalam na ng tingin kay Vi. Para akong kuting na sinundan papasok sa isang kwarto ang kanyang pinsan.


Halos nagbe-blend ang kulay puti at dilaw sa loob ng pinasukan naming kwarto.  Nagmumula sa mga naglalakihang ring light ang mga ito. Nakikita ko lamang ganitong ilaw kapag pinupuntahan ng mga make-up artist si Mommy sa mansion upang ayusan ito sa isang event.


Inialok sa akin ni Miki ang katamtamang taas na upuan.


"Nagme-make up ka ba?" itinaas muna niya yung bangs ko gamit ang isang hairband.


Pinapanood ko lang siyang binubuksan ang isang tube pagkatapos.


Umiling ako sa kanya habang inaalala ang mga hindi ginagalaw make-up sa aking vanity table. Galing ang mga iyon kay Mommy na hindi ko naman pinagkainteresan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fall TherapyWhere stories live. Discover now