Foreshadow

3.4K 116 81
                                    

This story is originally written by errorclipped. The story, all names, characters and incidents portrayed are fictitious.

A/N: Hi! This is the volume 2 of Newton's Princess. Pakibasa muna yung first volume bago ito para maintindihan ang mga ganap. Thank you!! hehe.

Warning: Language

Language: Filipino

Foreshadow

Napatitig ako sa malaking eskwelahan sa harapan ko. Clifton Academy. The school where everything started. It became a bridge for me to meet new friends. Mga kaibigang naging malaking parte ng buhay ko, mga kaibigang tinuring kong pamilya.

However, there's an unfortunate thing about families. Minsan hindi ka talaga nila kilala. Maybe because they did not pay much attention. Maraming maliliit na bagay silang binalewala dahilan para hindi makabisado ang pagkatao mo.

"Uy Daph!" narinig ko ang boses ni Joseph mula sa malayo kaya tumalikod ako at mabilis na naglakad palayo. Humihip ang malakas na hangin at tinangay ang itim kong buhok. Tinakpan ko pa lalo ang aking mukha gamit ang hood na suot. I pushed my glasses up dahil medyo nahuhulog.

I hid behind a car as I hear their voices.

"Diba sinabi ko na sayo, Joseph? Ayaw ko ng chocolate ice cream. Vanilla na lang, ples!" she pouted just like what I am fond of doing. Nakita ko yung iba pa na naglalakad kasunod nila. Tumakbo naman si Chikito palapit at agad siyang inakbayan.

"Daphneng tignan mo 'tong tweet ko daming naglike! Sabi ko lang naman gusto mo bang maging gwapo?? sabihin mo palimos chikito hahah idol talaga ako ng mga tao, ano!?" humagikgik pa siya lalo kaya mapait akong napangiti.

Kahit kailan hindi na nagbago ang lalaking to...

Napailing nalang ako at nagsimula nang maglakad palayo. Bawat hakbang, pakiramdam ko unti-unti ko na silang binibitawan. I wish I could come back. I want to grow old with them kasi sinabi ko nun sa kanila na magiging magkakaibigan kami hanggang uugod-ugod na kaming lahat. Sinabi ko yun pero ako pala yung hindi makakasama.

Namimiss ko silang lahat pero ang hirap dahil hindi man lang nila alam yun. Gusto ko rin silang pagsasapakin lahat. Sa maraming panahon naming magkakasama, bakit ganito?

I am not coming back anymore. Everyone is doing fine without me. Sa oras na ipagsisikan ko ang sarili ko, baka mayroon pang mapahamak. Lalo na si mama.

Pagabi na kaya dumiretso ako sa malapit na coffee shop sa Clifton Academy. I've been here before. Tandang-tanda ko pa noong nagpunta kami dito ng mga kaibigan ko kasama si Carmen. If I just knew na darating ang araw na hindi ko man lang sila pwedeng lapitan, sana sinulit ko na lahat ng oras na kasama ko sila.

Dumiretso ako sa counter at kinuha sa bottom part nung cabinet yung apron ko. Nagtatrabaho na ako dito simula last week. This is the only way I can think of for me to gain money. Kailangan kong kumita ng pera at makaipon. Plano kong magpakalayo-layo. Tapos magtatapos ng pag-aaral. Malayo at mag-isa. Kakayanin dahil sabi sa akin ng mama ko noon, kayang-kaya mo na ang sarili mo sa oras na makatapos ka ng pag-aaral. Iyon din ang pangarap niya para sa akin dahil ayaw niya akong matulad sa kanya.

"Daphnie.." tawag ni Polly sa pangalan ko

I faced her, "Mm?"

Sobrang thankful ko sa chix ni Chikito kasi kung hindi dahil sa kanya, baka matagal na akong hindi humihinga.

She sighed. Hinatak niya ako paupo sa isang table, "We can't keep doing this. Look at you! You even changed your hair color! Ano bang plano mo? Ayaw mo pa bang ipaalam sa mga Newton?" tanong niya

"Polly.." panimula ko, "Hindi na ako babalik."

Napahilamos siya ng mukha, "pero bakit!? Daphnie, buhay mo yun! Bakit hinahayaan mong kunin ng iba---" biglang bumukas ang pinto ng coffee shop kaya natigilan si Polly.

Nanlaki ang mata ko nang pumasok sina Michael at Anthony. I immediately grabbed the menu at tinakip sa aking mukha.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Chikito. Nakita kong napaayos nang tayo si Polly.

What are they doing here?!

Nagtrabaho ako sa coffee shop na ito dahil malaki ang tiwala ko na hindi pupunta ang sino mang Newton dito dahil we all know that Polly is here. Ang babaeng sumira sa puso ng bebe boy naming si Chikito... but now!? Anong ginagawa nila dito?

"Order po nila?" nahihiyang tanong ni Polly

"Twenty five java oreo berry frappe and one vanilla frappe." Anthony answered

Tumango-tango si Polly habang sinusulat sa sticky note yung order. "Okay sir, upo na muna kayo habang hinihintay." aniya

The three of them nodded... at naglakad sila palapit sa katabing table ko.

Anak ng kagang.

Kung minamalas ka nga naman! Dito pa talaga nila naisipang umupo. Jusko.

"Are you guys from Newton?" medyo napaigtad ako nang magsalita yung isang babae na nakaupo sa malapit na table. May kasama siyang dalawa pa.

"Oo, girl. Sila yun! Nagstalk na ako.." said the other girl

"Lintek, ano raw sabi ton?" rinig kong tanong ni Chikito kay Anthony

"Yeah beautiful ladies" kahit may takip akong menu sa mukha, naiimagine ko nakakakalokong ngisi ni Michael. Babaerong 'to!

"Bakit bawal kami sa section niyo? We're transferees. And I am Claire by the way--" Michael cut her off

"Sorry, girls. Newton's new rule." kumindat pa siya!

"Rule?" nagkatinginan yung mga babae.

Anthony nodded, "Daphnie is the only girl allowed."

Nagtubig ang mata ko. I am the only girl allowed but why can't you guys even recognize me?

Newton's Princess Vol. 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon