"Kumain ka na Lucas" muling wika ni Mamang sa tabi ko.

"Wala po akong gana Mamang" tugon ko dito habang tutok parin ako sa aking cellphone.

"Ang tigas talaga din ng ulo mo anak ano po? Paano mo maliligtas si Elo niyan kung wala kang lakas?" nabaling ako ng tingin sa iwinika ni Mamang.

Nakangiti ito sa akin.

Sa totoo lang parang nababaliw na ako dahil sa labis na pag-aalala 'ni hindi ko na nga magawang tumawa at ngumiti 'man lang eh.

Pero sila Mamang? Sila Ella? Si Mommy? Sa unang araw ng pagkawala nila parang pinagsasakluban sila ng langit at lupa, pero sa unang araw lang iyon dahil simula ng kumilos sila kuya Charles at Tony para hanapin sila Elo at Zachary ay napawi ang pag-aalala nila.

I know na nag-aalala parin naman sila pero hindi nila iyon ipinapakita. Hindi tulad ko na parang isa nang sira ang ulo dahil sa labis kong pag-aalala kay Elo.

"Anak alam kong nag-aalala ka kay Elo" nakatingin lang ako sa kanya at pinakikinggan ang sasabihin niya.

"Pero mas nag-aalala sayo si Elo niyan sa ginagawa mo sa sarili mo, ilang araw kanang hindi kumakain at hindi kana din lumalabas ng kwarto mo" patuloy lang siya sa pag-aayos ng magulo kong buhok at tila sinusuklay niya pa ito gamit ang kanyang mga daliri.

Tiningnan ko lang ito ng seryoso bago ako muling bumaling sa cellphone ko.

Ilang minutong katahimikan ang muling namayani sa pagitan naming dalawa ni mamang.

Sinisipat ko ng tingin ang larawan ni Elo sa cellphone ko.

"Ito na ang oras Lucas kaya sana mag-iingat ka"

Ang kaninang masiglang boses na pang-aamo sa akin ni Mamang ay napalitan ng pag-aalala.

Muli ko siyang binalingan ng tingin at doon ko nakita ang mga luha nang naglalandas sa mga mata niya.

Ang kamay nitong sumusuklay sa aking buhok ay natagpuan kong nakakapit ng mahigpit sa mga kamay ni Mamang.

"Mag-iingat ka Lucas ha, mag-iingat ka na...nag-mamakaawa ako" malungkot at puno ng pag-aalalang wika ni Mamang sa akin.

Tumango ako sa kanya habang kagat-kagat ang aking labi.

"Matapang akong tao anak...pe...pero pag-dating sa mga anak ko...nanghihina ako hindi ko kakayanin kung may masamang mangyayari sa inyo" malalalim ang paghingang ginagawa ni Mamang.

Hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya habang pinipigilan ko ang emosyong gustong lumabas sa loob ko.

"Buhay pa si Elo..Lucas...magtiwala tayo" takot na wika ni Mamang habang patuloy na lumalandas ang luha sa mga mata niya.

Alam kong takot na takot si Mamang dahil sa sunod-sunod na ibinabalita sa telebisyon tungkol sa mga lalaking dinukot ng grupong ito.

Dahil sa tatanga-tangang pagkilos ng task force ng Quezon City sa pagsugpo sa grupo ng Alcapone Hillbilities ay sunod-sunod na ang ibinabalitang pinapatay nila.

Sa ilang araw na pagkilos ng mga tatanga-tangang Pulisya ay nahihirapang pumorma sila kuya Charles, dahil tulad nga ng sinabi niya ay parang mga kiti-kiting kumilos ang grupong ito.

Tumingin ako ng seryoso kay Mamang bago ako magsalita sa harapan niya.

"Mamang wag po kayong mag-alala ililigtas ko po si Elo, wala pong mangyayaring masama sa kanya" mula sa puso kong wika sa kanya.

"Mahal ko po si Elo Mamang at hindi ko po mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa kanya" seryosong wika ko parin dito.

"Ako po ang nagpasok sa gulo kay Elo kaya ako po ang man---"

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now