"Hoy sayang!" sigaw ni Sab, Napayuko naman si Kendrick sa ginawa ko. Nakahalukipkip ko siyang nilapitan at nakita kong bahagya niyang kagat ang pang-ibabang labi at kahit ang bait ng aura niya, hindi maitatago noon ang nakakaakit niyang itsura.


"Lift your head up." I commanded him, and like a puppet, he obeyed me. Good puppet.


"Prepare the foods so we can eat." kahit papano mukhang nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko.


"Hindi ka na ba galit?"


"Galit pa rin, pero pagkain 'yan! hindi ko tatanggihan 'yan." nagulat ako ng impit na tumili si Sab, kaya sinamaan ko ito ng tingin.


"Kasama ba ako d'yan or for Amanda lang?" patay malisya na tanong niya kay Kendrick.


"For us, dinamihan ko naman ng order."


"Not that I don't want all of these things, especially foods. But you don't have to spend money on me. Pinaghihirapan mo 'to sa trabaho."


"Money's nothing to me, 'wag ka lang magalit sa akin. Kahit maubos pa lahat ng pera ko."


"Ayieh! Taga sana all na lang talaga ako."


"Shut up Sab! Maupo ka na nga kanina ka pa ah!" nilingon ko muli si Kendrick.


"Whatever you say, ihanda mo na'yan." pagkasabi ko noon ay naupo na ako sa may kabilang side ng table. I watched him, do everything. Mabilis siyang kumilos ngunit maingat.


"You know what? Kung hindi ko lang nakakasama 'yan si Kendrick dito, iisipin ko na matinik siya sa babae." kunot noo kong nilingon si Sab nang magsalita and she's watching Kendrick's movement too.


"Pero hindi ako gano'n," sabi naman ni Kendrick at nagsimula ng maglapag ng plates.


"Yeah, mukha lang talaga." pinakatitigan ko ang mukha nito, on how he licked his lips. How did his hair slip away from being tied up? Isang idea ang pumasok sa isip ko.


"Did you ever have a girlfriend, Kendrick?" dapat siguro nag apply 'tong si Sab as a reporter.


"Yeah, when I was in college, I had two."


"Oh, so are you a virgin or not?"


"Would you believe that I am already not?"


"Hindi nga?!" pati ako napatingin din sa kaniya. No way! I could feel that he was still a virgin.


"That's... uhh, a long story to tell." naging mailap ang mga mata nito at naupo na sa may tabi ko. Napaisip ako sa naging reaksyon na at mukhang si Sab ay gano'n din.


Wala sa itsura niyang gagalaw ng isang babae. She respects girls too much, kahit na babae na ang nawalan ng respeto sa sarili niya, but he still sees girls as people who need to be respected. Natapos kaming kumain na si boses ni Sab ang nangibabaw. Too noisy, na gusto ko nalang pasakan ng kutsara ang lalamunan niya.


"Mauuna na ako, I still have work to do. Btw, ano? Tuloy pa ba ang paghahanap?" tanong ni Sab at natigilan ako saglit bago umiling ng bahagya.


"I have a better plan. Sige na mauna ka na." nakipag beso muna siya sa akin bago umalis. Pagkasara ko ng pinto ay bumalik ako sa kitchen at pinanood si Kendrick na hinuhugasan ang mga pinagkainan namin.


"Kendrick, I need you." napatigil siya sa ginagawa niya at marahang pumihit para harapin ako. He looked surprised.


"Hihintayin kita sa salas, we'll talk."


"Sige," lumabas na rin ako at hinintay siya. Naibaba ko ang binabasang magazine ng makitang lumabas na siya at naglakad papalapit sa akin.


"Sit down," I motioned to the single couch and waited for him to settle himself.


"Anong ipapagawa mo?" I rested my back before staring at him.


"Can you pretend?"


"Huh? Pretend for what?"


"Pretend that you like someone."


"I can," matapang na sagot niya.


"Can you flirt?" nanlaki ang mata niya sa sunod kong tanong. Mukhang alam ko na ang sagot.


"Listen, here's the plan, and I can see that you're the only one I could rely on. I want you to seduce Clarisse and make her fall for you."


"Pero hindi ako marunong—"


"That's not a problem, I can teach you. Isa pa, marunong ka ngang humalik. That will be easy for you, fast learner ka naman. At alam kong madali kitang matuturuan."


"F-fine, sige, susubukan ko."


"Just make sure she will really fall for you, o kahit hindi na basta maakit mo lang siya. I want her to cheat on Luhennce, at habang sumasama siya sa'yo. I will take Luhennce away from her slowly. Hanggang sa magising nalang sila isang umaga, sira na ang relasyon nila. I'll prove Luhennce that Clarisse is just like some other girls. Kung pwede nga'y may mangyari pa sa inyong dalawa para tuluyan na siyang bitawan ni Luhennce." this time tiningnan ko na siya, mata sa mata. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ko.


"Yan ba talaga ang gusto mong gawin?"


"Pipigilan mo ba ako?" hindi siya agad sumagot, humalukipkip lang siya at mataman akong nilabanan ng tingin. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon, na tila napakalalim ng iniisip.


"This is wrong but why can't I disapprove? Bakit sa t'wing nakikita ko ang mga mata mo, ang kagustuhan kong kontrahin ka'y nalulusaw?"


"Nothing's wrong or right, if you're just going to get what is originally yours, so here's my final question Kendrick. Are you in? Or are you out?"


"I'm in..." that's my boy.


. . . 

Owning My Ex (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon