47

11.8K 412 31
                                    

Kinaumagahan ay sinabi ko kay Kendrick ang tungkol kay Dambie at kahit ayoko ay siya pa rin ang nag settle ng lahat. Hindi ko alam kung ano na ba ang meron sa amin, pero wala na akong pakialam. I want to stay with him. I want to be with him, may label o wala.


Ayoko namang pilitin siyang maging kami na. Hahayaan ko na lang na sumabay sa agos, ano man ang maging katapusan, wala akong pagsisisihan.


Napasimangot ako ng ilibot ang paningin sa bahay ni Kendrick. Wala siya ngayon hindi kami sabay na umuwi dahil may pupuntahan daw siya. Ako lang ang mag-isang bumalik sa bahay niya para tapusin ang trabaho ko.


Mag-isa rin akong nagluto ng lunch and snacks, hindi ko alam kung may balak pa bang umuwi si Kendrick. I am also done with work at wala akong nagawa kundi manood na lang muna, passed 6, and he's not still at home. Pinili ko nalang mag-iwan ng note at umuwi na muna.


Dumaan ako saglit sa grocery store, naalala ko kasing paubos na rin ang stock ko na pinamili pa ni Sab. 'Yong iba ay nabulok na.


I was pushing my cart when someone called my name, mabilis ko iyong nilingin at lihim akong nangiwi ng makilala kung sino.


"S-stevan!"


"Dj Gab, papasok ka ba mamaya?"


"Huh? Ah, hindi na eh. Umalis na ako sa work." mukhang nalungkot siya pero wala akong magagawa.


"Sayang naman, isa ka sana sa pang-surprise ko kay Merelle." Kumunot ang noo ko.


"Merelle?"


"Yup, my girlfriend... actually, kaya ako madalas dun sa restaurant na 'yon because of you. Gusto kitang makausap, fan mo kasi ang GF ko, and I know she'll be happy to see you in person. Matagal na niyang gustong makita ka, palagi niya akong inaakit na pumunta sa station, pero madalas ko siyang pinipigilan kasi... 'yon nga am... gusto ko sana siya i-surprise so I come up on talking to you about it, kaso no'ng una talaga nahihiya ako kaya hindi ko masabi sa 'yo." So that's why! kaya madalas siyang lumapit sakin at panoorin ako, na para bang may guso siyang sabihin pero di niya magawa.


"Pero bakit sinabi mo sa akin na—na gusto mo ako?" Napakamot siya sa batok niya na parang nahihiya.


"That! Nahihiya na kasi talaga ako. I don't know what to say. Parang nakakahiya naman na bigla kong sabihin sayo na pwede ba kitang kunchabahin sa pagsurprise sa girlfriend ko sa 5th anniversary namin?"


"5th? 5th anniversary niyo na?!" 'Yon lang yata naintindihan ko. For real? tapos hindi pa siya nagp-propose?


"Yeah, actually, isasabay ko narin sana proposal." Nanlaki lalo ang mata ko.


"P-pero, bakit ba naging fan ko gf mo?" Gosh! I am just a DJ; hindi ako artista.


"She likes your voice and your advice. She thinks you're a woman full of wisdom, and she wants to be like you, and she admires you for that." Nakonsenya naman ako ng maalala ko kung paano ko 'to pag-isipan si Stevan, hindi ko naman kasi alam!

Owning My Ex (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon