24

9.7K 320 25
                                    

I was busy cooking for lunch. Kanina ko pa tinatawagan si Luhennce, and he wasn't answering. I need to be with him! Bakit ba hindi niya sinasagot?


A few more rings, and he finally picked it up.


"Amanda..."


"Hey, uhm. Nagluluto sana ako ng lunch. Can I invite you?"


"I'm with Clarisse."


"Just a lunch, please? Luhennce. Samahan mo lang ako."


I heard his sigh—same old Luhennce. Alam ko na ang sunod niyang sasabihin.


"Okay, kakain lang tayo ng lunch and then aalis din ako agad." lumawak ang ngisi ko sa naging sagot niya.


"Thank you!" Nakangisi akong binaba ang cellphone sa counter top bago humalukipkip. No one could ever resist me, not even Luhennce. He can never resist his ex-girlfriend, noon pa man hindi na niya ako magawang hindian sa mga bagay na gusto ko. I love how he keeps spoiling me with the things I really want.


Isa lang naman ang pinaniniwalaan ko s a buhay ko, lahat ng gusto ko makakaya kong makuha. I can always make things easier for myself. Marumi man ang gamit in kong paraan para makuha ang gusto ko, wala na akong pakialam.


Napaayos ako ng tayo ng mag-vibrate ang phone ko, at ng Tingnan ko iyon ay nakaitang si mum ang na-message sa akin.


From mum:

We booked our flight for this Tuesday. See you, my daughter.


Para akong tinakasan ng dugo dahil sa nabasa. Uuwi na siya sa martes? Bakit hindi ko naalala ang sinabi niya! shit! kailangan ko na talagang madaliin ang ginagawa ko. I texted Kendrick, pinapagawa ko na sa kaniya ang pinaka climax ng plano namin. He didn't reply, but I am really hoping this time he'll cooperate kung hindi ay malilintikan na siya sa akin.


Dumating si Luhennce ng alas onse, kahit medyo bothered ay nagawa ko paring umarte ng normal sa kaniya.


"So asan si Clarisse ngayon?" pagbubukas ko ng topic. "With her friend, may pupuntahan lang daw sila eh." Si Kendrick, malamang si Kendrick ang kasama niya. Mas pinili kong matuwa ng lihim sa narinig.


"Buti na lang para may makasama akong mag-lunch." Narinig ko ang pagbunong hininga niya at binaba na ang tingin sa mga pagkain na niluto ko. Mukhang may gusto siyang sabihin at pinagiisipan niya iyon ng malalim. Tumikhim ako at tumayo saglit para kumuha ng tubig ng magsalita na siya.


"Amanda, I want this to be the last time we'll be together...alam kong okay naman na magkaibigan tayo...gusto ko rin iyon pero...ayoko ng masaktan ko si Cass. My jaw clenched, natigilan ako saglit at hindi agad nagawang humarap sa kaniya. Marahan kong umayos ang tayo ko at slow motion na humarap sa kaniya, saka malamyang ngmuiti.


"Nagseselos ba siya sa akin?" I laughed sarcastically. Naupo na ako pabalik at sinalubong ang mga tingin niya. Pinakatitigan ko siya at kinuha ang kamay niya saka mahigpit iyong hinawakan.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now