29

9.4K 256 20
                                    

Maaga ulit na umalis si Kendrick, pero tulad ng nakasanayan na...May naabutan nanaman akong dalawang bouquet ng roses at card katabi ng almusal. Ano pa bang aasan ko sa hari ng mga boquet.


Nakangiti kong kinuha ang dalawang card at binuksan habang papaupo.


Anger won't do any good. It will just weigh you down and burden you forever.


Binasa ko iyon ng malakas saka bumuntong hininga at binalingan naman ang isa.


Revenge is not a good thing. Revenge is like politics; one thing always leads to another, until bad has become worse and worse has become worst.


He really had his own way of educating me. I breathed out before I started to eat my breakfast. Pagkatapos ay sinalay ko sa base ang mga rosas at hinugasan ang mga pinagkainan. Dala ang cards na pumasok ako sa kwarto ko at tinago iyon saka naligo at nagbihis. Saktong kakatapos ko lang magsuot ng damit ng tumawag si Sab.


"Bitch! bakit 'di mo sinabi agad sa' kin?!" Nailayo ko sa tenga ang phone ko sa lakas ng sigaw niya.


"What?! And can you please tone down your voice?" iritang sabi ko habang binabalik ang phone sa pagkakalapit sa tenga ko.


"You and Kendrick are now together?! Anong nangyari!? Nawala lang ako, naging kayo na?!" bakit galit?


"At bakit galit ka?! Is that wrong?!" Sigaw ko pabalik.


"Hindi ako galit na naging kayo! Actually, matutuwa na sana ako...pero! Do you love him!? Naamin mo na ba sa sarili mong may feelings ka na?!" Natigilan ako sa sinabi niya.


"Hindi naman ako papayag na maging kami 'di ba?"

"Seriously, Amanda?! Masasaktan mo 'yung tao sa ginagawa mo." Napailingiling ako sa sinabi ni Sab at hindi na natuloy ang sasabihin ko ng makarinig ng buzz.


"Kita na lang tayo tomorrow, may pupuntahan lang ako."


"I am warning you, bitch, umayos ayos ka nakuh! Mahirap magsisi sa huli."


Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang sinabi niya at binaba na ang tawig. Madali akong lumapit sa pintuan at binuksan ang pinto. Hindi na ako nagulat na makita si Luhennce sa labas ng unit ko.


"Am I early?" Hindi na siya masyadong lanta, 'di katulad kahapon. It makes me feel better.


"Nope, aalis na ba tayo? I'll just get my wallet."


"Sure, wait nalang kita rito." Tumango ako at bumalik sa loob. Pagkakuha ko ng wallet ay agad na rin akong lumabas at sinara ang pinto.


"Let's go?" Tumango ako at sumabay sa kaniya. He even held my hand, which made my eyes widen in shock. Bigla ko iyong naiwaksi na halata ring kinagulat niya.

Owning My Ex (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon