08

12.1K 360 41
                                    

"What the hell are you doing?" Kunot noo kong tanong kay Kendrick.



"Uh, setting up the place?" What the hell?! Seryoso siya?!



"Stupid! Anong tingin mo sa gagawin namin dito, maglalaro ng bahay bahayan?" nangigigil na tanong ko nang makita ang ginagawa niyang pag d-decorate sa kwarto ko. Leche!



Pinapagawa ko ngang medyo seductive 'yong place, ginawang parang pang prinsesa! Bwiset! Bakit ba kasi ganitong lalaki ang kasama ko rito? Tinatayuan ba ang isang ito?! Napakainosete amputa. Napakamot ito sa ulo niya.



"Sorry, I'm useless." napailing ako at pakiramdam ko'y mahihilo ako sa kaniya. My God! Nasaan na ba kasi si Sab! Pinapabili ko 'yon ng mga alak at pills ah!



"A-ano ba kasi talagang balak mo?" I rolled my eyes at him.



"Hindi pa ba halata?"



"G-gagawin mo talaga?"



"Of course! Matagal na rin naman naming ginawa 'yon. I would make him feel how he felt when we were doing that thing." namula siya sa sinabi ko at hindi na umimik pa, stupid! Mayamaya lang ay nakarinig na ako ng pagtunog ng buzzer.



"Kendrick, open that door. It must be Sab." agad naman ako nitong sinunod, at mayamaya lang ay narinig ko na ang boses nito.



"O! Para sa kagagahan mo! Ewan ko na lang kung anong mangyari sa inyo mamaya! Gosh! Pakiramdam ko makakapusan ako ng hininga sa iyo!" umarte pa itong pinapaypayan ang sarili gamit ang isa niyang kamay, at napalingon kay Kendrick.



"In fairness, dito sa boylet mo ampogi ah! Anong name mo sweetie?!"



"Kendrick," he said, genuinely smiling at Sabria.



"Ang gwapo! Ako pala si Sabria, Sab na lang! May GF ka na?!" lalapit na sana ito kay Kendrick nang mabilis kong mahawakan ang hoodie nito, at hinila papalayo.



"He's mine, Sab! Don't ever do such a thing against my will..."



"Ang damot! 'Di mo naman bf e, ipaubaya mo na sa akin."



"Ulol! Ako boss niyan! Tumulong ka na nga! Dapat maging attractive to." napapadyak naman ito at nagmamaktol na tumulong.



I ordered Kendrick several times, at hindi ito kailanman nagreklamo. Nagpa-deliver lang kami ng lunch at kumain ng sabay-sabay. Mukhang nagiging close na 'yong dalawa, kaya hinayaan ko na lang. Sa aming tatlo si Kendrick, 'yong nagmukhang pagod na pagod, siya kasi pinagang utusan ko.



"Talaga?" She inquired as to how we met, and Kendrick replied truthfully.



"H-ha? Hindi ko magagawa 'yon."



"Ay bakit? Don't tell me bakla ka?" bigla itong namula kaya napairap na lang ako.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now