46

11.6K 315 11
                                    

Halos gusto ko nalang magtago sa likod ni Kendrick habang kinakausap niya si Fellie na talagang literal na nakanganga habang nagsasalita ang lalaki. Hindi ko nga alam kung may naiintindihan ba ito sa sinasabi ni Kendrick dahil kung ice cream lang si Kd ay baka kanina pa ito tunaw.


"In exchange, I'll help you market this restaurant to more customers, we'll expand the area, and I'll hire more staff to help you." Napasapo ako sa noo ko ng talagang walang kareareaksyon si Fellie, hindi nga yata niya naintindihan sinasabi ni Kd.


"Fellie," Tumikhim na ako bago siya tawagin. Kulang na lang sapakin ko ito, dahil hindi talaga matinag. "Fellie!"


Hindi pa rin, susko! Ano bang meron sa mukha ni KD, eh gwapo lang naman 'yan!


"Fellie!"


"Ay gwapo ka!" Biglang napatakip ito ng bibig sa gulat. Kendrick's brows shut, mukhang naiinis na ito kaya hinawakan ko ang braso niya to calm him.


"O-oo! I mean, yes! pwedeng pwede." Halatang hindi nito naintindihan ang sinabi ni Kendrick kaya hinawakan nito ang kamay ko.


"Good," Ako naman ang binalingan nito at marahang hinila palabas. Nilingon ko si Fellie na kinikilig at ng mapunta sa akin ang tingin nito at binigyan niya ako ng thumbs up na kinailing ko. Halos mabali ang mga leeg ng mga babaeng nasa loob ng restaurant.


Nakakainis, hindi naman artista si KD para titigan nila ng ganyan! "Sakay," Agad naman akong sumakay, na tila batang napagalitan ng tatay niya. Ang sungit niya ngayon, Nakakainis ah! dumagdag pa siya sa Inis ko sa mga babae kanina.


"Saan mo ako dadalhin ngayon?" pagtatanong ko ng hindi na talaga makatiis.


"Iuuwi kita," tipid na sagot niya, kaya tumango na lang ako. Napaayos lang ako ulit ng upo ng mapansing ibang daan ang tinatahak namin.


"This is not the way, ibang daan ang tinatahak nati...sa kabila 'yung bahay ko."


"Who says you're going home to your house?" nanlaki ang mata ko at nilingon siya.


"Wag mong sabihing—"


"Iuuwi kita sa bahay ko, do'n ka lang hanggang sa makabalik tayo sa Manila."


"Pe— "


"No buts! Boss mo pa rin ako!" muntik na akong mapatalon ng bigla na siyang sumigaw. Ginagamit niya ang pagiging mag-boss namin to blackmail me!


"Now you're grumpy..." Hindi niya ako pinansin at hanggang sa makauwi kami sa bahay niya! nakasimangot lang ako.


He took my bag after he parked his car. Bumaba narin ako at sumunod sa kaniya. Pagkapasok ay mabilis siyang pumasok sa isang kwarto at lumabas din agad dala ang isang shirt at j-pants na pag-aari niya.


"Use my shower, and change your clothes. Pinagpawisan mo na 'yan, you'll get cold if you let your sweats dry." Wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon at pumasok sa kwarto na itinuro niya.

Owning My Ex (Published)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt