44

10.9K 284 11
                                    

Pinagmasdan ko si Kendrick na naglalapag ng mga inorder niya para sa'min. It was raining outside. Good thing nandito na kami sa convenience store, bago pa umulan kanina. Ito 'yong convenience store, kung saan din kami nagkita noong nakaraang araw.


The store was playing mellow music, saktong sakto sa oras at panahon.


Dalawang noodles, dalawang order ng siomai, dalawang cup of hot coffee, and cheese burger ang nilapag niya roon, na pinakatitigan ko muna saglit bago siya hinintay na maupo sa harapan ko. Pasulyap-sulyap ako sa labas to watch the rain. I love rain.


I love this kind of weather while listening to my favorite music and drinking hot coffee in my favorite mug. And I can't believe I was spending this kind of time with Kendrick.


At this moment, something comes to mind. When I was still chasing Luhennce, I should've realized that we weren't on the same page anymore. That he's too close to the epilogue, and I wasn't even on the rise.


That's why, at that time, I would really never understand him. Hindi ko maiintindihan kung bakit may bago na siya, tapos ako wala pa. Because he had already moved on. And if it wasn't for Kendrick, I would never have learned how to let go of what you cannot have, at least again.


"Are you still mad at me?" Nagangat ang tingin ko kay Kendrick. Our eyes met, and I could see in his eyes that he was nervous. Umiling ako at bahagyang yumuko.


"Tomorrow, you can start working with me." Naalala ko, may trabaho nga pala ako sa kaniya.


"I'm sorry, I almost forgot." Nawala ang tipid na ngiti sa labi niya bago tumango.


Nabalot kami ng katahimikan habang kumakain, pareho naming dinadama ang musika at pinapakiramdaman ang isa't isa. Everything is so peaceful, but still, you'll feel incomplete.


May kulang pa rin sa pakiramdam, hindi parin sapat para maramdaman 'yong contentment. Our conversation started to be light, nang matapos tumila ng ulan ay inihatid na niya ako sa bahay na tinutuluyan ko, and he reminded me of my work for him later.


Alas tres na kami nakaalis kanina sa convenient dahil sa ulan kaya naman konti nanaman ang maitutulog ko. I woke up at 6, naligo na ako agad at nagbihis, hindi na ako nag-almusal at mabilis nang pinuntahan si Dambie sa hospital para kumustahin ang kalagayan, bago tinungo ang address na binigay sa akin ni Kendrick.


I was shocked to see that it was a house. Is this his house?


Mabilis akong nag-door bell at agad namang bumukas ang gate, and I saw Kendrick only wearing pajamas. Wala itong pangitaas at kitang kita ko kung gaano kaganda ang katawan niya. Bumaba ang tingin ko sa may lower abdomen niya, and I saw a tattoo. Hindi ko iyon napansin last time, may tattoo na pala siya? It was a compass. May nakasulat doon na hindi ko gano'ng mabasa dahil medyo pacursive at nadistract din ako ng magsalita siya.


"Come on, Amanda." Umangat ang tingin ko sa mukha niya bago pumasok, hinintay ko siyang maisara ang gate bago ako nagtanong.


"Dito ako magw-work?"


"Yeah, wala naman dito ang opisina ko." Oo nga naman, Amanda dapat naisip mo na 'yan.

Owning My Ex (Published)Where stories live. Discover now