"Babe, you shouldn't have done that." Napalingon kami kay Homer na nakabaling na kay Sabrina.

Kitang-kita ko kung paano mamula ang mga pisngi ng kaibigan ko.

"Yiee," pang-aasar namin sa kanilang dalawa.

"A-Anong babe? Shut up!" namumulang wika ni Sabrina.

"Why? Am I not allowed to call you babe?" parang kaswal lang na tanong ni Homer.

Bigla na lang piningot ni Juana si Homer at hinila patayo.

"Hoy, tama na nga 'yan! Homer may gagawin pa tayo! I'm sorry guys, we have to go." Umalis na silang dalawa.

Bahagya pang kumaway at kumindat si Homer sa kaibigan ko na pulang-pula na.

"Panis ka, Saiko, si Homer dumada-moves na kay Sabrina. E, ikaw?" pang-aasar ni Miyuki.

"Epal ka talaga tomboy! Ikaw nga wala kang jowa!" asar na sigaw ni Saiko bago padabog na umalis.

"Uy, naasar?" gulat na wika ni Miyuki.

"Sandali, a. Suyuin ko lang, baka biglang mag-suicide 'yon." Kumindat pa sa amin si Miyuki bago habulin si Saiko.

"Fudge, Arrow saglit lang, ha? I just have to hand this papers to Jaime, babalik ako agad I promise." Hindi pa ako nakakasagot pero nakatakbo na agad si Sabrina paalis.

Ay bahala na nga!

Maghihintay na lang ako dito.

Habang nagmumuni-muni ay napansin kong may mga bato sa ilalim ng puno.

Mabilis akong tumakbo papunta doon at dumukwang sa mga bato.

"Wow, ang ganda-ganda." Namamangha kong inangat ang batong hawak ko.

"Walanghiya ka talaga! How dare you hurt my girlfriend, Froze? Hindi porke't malakas ka ay hindi ka namin lalabanan!" Nagulat ako nang may marinig na sigawan sa malapit.

Mabilis kong tinago ang bato sa bag ko 'saka sumilip doon.

Napanganga ako nang makakita ng batalyon na mga lalaki sa harap nung nakakatakot na Froze.

"I don't give a goddamn care about you and your fucking dwarfs, Kian." Halos matuod ako sa puwesto dahil sa lamig ng boses ni Froze.

"Mayabang ka talaga! Sige!" Napanganga at napaatras ako nang makitang sinugod ng mga lalaki si Froze.

Hala! Sobrang dami nila!

Ang sasama nila! Masyado silang masama! Bakit nila pinagtutulungan si Froze?

Ang papangit nilang lahat.

Mabilis kong kinuha ang mga bato sa likod ko at pinagbabato ang mga lalaki.

Namutla ako nang gulat silang tumingin lahat sa direksyon ko.

Pati si Froze ay matiim na nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo?!" sigaw nung isang lalaki.

"H-Ha? Ahh basta! Ang sasama ninyo!" Patuloy ko silang pinagbabato ng mga bato sa likod ko.

Pero para silang mga immortal! Tumakbo sila papunta sa direksyon ko kaya natakot ako.

Papatulan nila ako? Mga bakla!

Bago pa ako makatakbo ay nagulat na lang ako nang may pumulupot na braso sa baywang ko at hinila ako.

I gasped when I saw Froze, nakikipaglaban siya sa mga lalaki gamit ang isang kamay.

Dahil ang isa niyang kamay ay nakayakap sa akin.

"Ahh!" sigaw ko nang makitang hahampasin na sana kami ng kahoy.

Pero sobrang galing at bilis ni Froze dahil nailagan niya lahat ng mga atake sa amin.

Partida yakap pa niya ako.

Ramdam kong mas humigpit pa ang yakap niya sa akin nang makitang may mga armas nang hawak ang natira pang mga lalaki.

"M-Mamamatay na tayo, mamamatay na tayo," natatakot na bulong ko kay Froze.

Nagbaba ito ng tingin at nginisian ako.

Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko dahil sa ngisi niya.

Ang gwapo-gwapo niya!

Parang wala na akong ibang makita kun'di ang gwapi niyang mukha.

Hindi ko na nga napansin na napatumba niya ang lahat ng lalaki sa paligid namin.

Mabilis akong kumalas sa kaniya at gulat na nilibot ang tingin.

"Wow! Ang astig mo!" Bahagya ko pa siyang pinalo sa dibdib dahil sa pagkamangha.

Kitang-kita ko naman ang pagtitig niya sa akin, nang malalim.

Napalunok ako. "S-Sorry, nagula--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang maramdamang may kung anong tumama sa ulo ko.

"Fuck!" Rinig kong mura ni Froze bago may kung anong pinatumba sa likod ko.

Napakapit ako nang mahigpit sa balikat niya dahil sa hilo.

Mabilis naman niya akong niyakap sa baywang.

Bago pa ako tuluyang matumba ay nasalo na niya ako.

'Yon ang huli kong nakita bago magdilim ang paligid ko.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now