CHAPTER TWENTY-FOUR

5.7K 150 13
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR



DAHIL walang magawa si Alexandra sa mga sandaling iyon ay naisipan nalamang niyang maglinis sa condo ni Michael. Mamayang gabi pa naman ang date nila at mabilis lang naman siyang mag-ayos kaya walang problema kung mamaya pa siyang maghahanap ng isosoot.

Hindi naman marumi ang condo. Dalawa lang naman sila ni Michael ang nakatira doon at pareho naman silang hindi makalat. Matapos maglinis ay isinunod niyang maghugas ng mga maruruming plato sa kitchen. Napansin rin niyang marami na silang labahin ni Michael kaya naman naisipan niyang maglaba.

Sanay naman siya sa mga gawaing bahay kaya walang problema sakanya kung ginagawa niya ang mga ito. Ayaw naman niyang magbuhay donya. Natutuwa pa nga siya dahil habang naglalaba ay nakikita niyang magkahalo ang mga damit nila ni Michael na para bang sila ay mag-asawa.

Napawi ang mga ngiti niya ng may maisip, kailan kaya magpo-propose si Michael? Ilang saglit pa ay ipinagpatuloy na niya ang ginagawa. Twenty six palang naman silang pareho ng nobyo at hindi naman kailangang madaliin ang engagement at kasal.

Kahit may laundry machine, natagalan parin si Alexandra sa paglalaba. Nai-dryer na rin niya ang mga damit. Magtatanghali na nang matapos siya sa lahat ng gawaing bahay. Nakapag luto na rin siya ng kaniyang ulam na tinolang manok.

Nang sumapit na ang alas dose, nagpunta na si Alexandra sa living area upang panoorin ang noon time show kung saan si Michael ang host. Lagi niya itong pinapanood lalo na kapag nandito lamang siya sa bahay. Masaya siya na pinapanood ang binata.

Binuhat rin niya ang kaniyang pagkain sa sala. Isasabay niya ang kaniyang lunch sa panonood sa show. Nang mai-on na niya ang TV, eksaktong kakaumpisa palang ng show. Nagtaka siya dahil hindi si Michael ang host. Ayon sa pumalit na host ay pansamantala lang daw itong nandoon sa show dahil wala raw ngayong araw si Michael.

"Hindi pumasok si Michael?" Napaisip tuloy siya. Kinuha niya ang kaniyang telepono at idinial ang number ng nobyo upang sana ay tanungin. Ngunit nagri-ring lang ito at hindi sinasagot. Kinabahan siya dahil sa tuwing tumatawag siya ay sinasagot agad nito kahit gano pa ito ka busy. Ngunit ngayon ay hindi.

Ano kayang ginagawa ni Michael? Bakit wala siya sa show? Tanong niya sa kaniyang isip. Pinatay na niya ang TV. Wala na rin naman siyang gana manood dahil hindi si Michael ang host. Tatayo na sana siya ngunit nag ring ang telepono niya. Agad niya itong dinampot sa pag-aakalang si Michael ngunit napangiwi siya ng makitang si Keno ito.

"What?" bungad niya sa kaibigan.

"Wala sa mood?" napansin yata ni Keno ang pagbuntong hininga niya.

"Why? Kung tatanungin mo kung ginawa ko kagabi ang sinabi mo kahapon—"

"I know you did it! Right?" narinig pa niya ang pagbungisngis nito. "Hoy Bakla, pwede humingi ng pabor sa iyo?"

"Ano yun?"

"Dumating na kasi iyong mga gowns na design ko. Gusto ko sanang i-promote iyon sa social media, kaya lang wala akong modelo..." Mukhang nahuhulaan na niya ang ibig sabihin ni Keno.

"Keno, alam mo namang ayaw kong maging model, 'di ba?" ayaw talaga niyang maging modelo pero kapag may bagong dating na deigns ang kaibigan ay pinipilit siya nitong isoot ang mga iyon bago nito ibenta sa iba.

"Wow ha! Wala pa akong sinasabi. Ayaw mo man o hindi, gagawin kitang modelo ngayong araw." saad nito kaya napairap siya. "Sige na girl, tatanggihan mo ba ang sisteret mo?"

"Fine. Pero hanggang 3PM lang ha?" Saad niya.

"What? Oy bakla, gown ang i-momodel mo hindi basahan. Alas dose na oh, anong magagawa ng tatlong oras ha? Halleer? Kaloka ka!"

STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon