CHAPTER FIFTEEN

4.8K 156 10
                                    

CHAPTER FIFTEEN


HULING araw na nila Alexandra sa Batanes. Nalulungkot na siya. Kahapon, wala silang pinuntahan ni Michael. Para bang nagbago ang mood nito simula noong nagpunta sila sa oldest stone house. Malakas talaga ang kutob niyang dahil iyon sa tumawag dito noong huling namasyal sila. Mamayang gabi na ang flight nila pauwi sa Manila. At bukas babalik na ulit sa dating gawi. Gusto pa sana niyang ma-enjoy ang huling araw nilang iyon sa Batanes. Gusto pa sana niyang puntahan ang ilang sikat na tourist spot gaya ng Chawa View Deck and the Honesty Coffee Shop.

Sweet parin naman ang binata sakaniya pero hindi na ito humahantong sa pagtatalik. Huli silang nag-sex ay noong nag swimming sila. Parang may malalim itong iniisp. Nauunang natutulog ang binata at kung minsan ay may kausap sa telepeno. Sa tuwing tinatanong niya kung sino ang tumatawag ay sinasabi lang nitong tungkol sa work. Pero alam niyang higit pa doon. Gaya ngayon, nagising nalang siyang wala si Michael sa tabi niya.

Dahil kailangan pa niyang mag-empake ay pinilit niyang bumangon. Akmang bababa na siya sa hagdan papuntang kitchen para uminom muna ng tubig, nakita niya sa living room si Michael na may kausap sa telepono. Hindi siya kumibo at hindi siya gumawa ng ingay.

"...You said the other day na hindi kana pupunta dahil nagtatampo ka?...So, you're in Manila just to see me? How sweet!...What? How could you lose it?...Okay, just calm down and wait for me, okay?" rinig na rinig niyang saad ng binata sa kausap sa malambing na tono at malapad pa ang mga ngiti nito. "Yeah, my flight is tonight. I'm gonna be there soon."

My flight? Sino ba ang kausap niya at ini-estapuwera ako? Hindi niya mapigilang mainis sa binata. Kunwaring umubo siya dahilan para magulat ito. Tiningnan niya ito ng masama habang pababa siya ng hagdan.

"I'll call you later..." Saad pa nito sa kausap bago ibinaba ang tawag. Ngumiti siya ng mapait dahil doon.

"How sweet!" sarcastic niyang saad at ginaya pa niya ang tono ng pagkakasabi nito sa kausap kanina. Bago pa man niya masampal si Michael ay demeretso na siya sa kitchen. Naramdaman niyang sumunod ito. Malakas ang kutob niyang babae ang kausap nito.

"Alexandra,"

Huwag mo kong ma –Alexa-Alexandra Michael! Sigaw ng kaniyang isip. Binuksan niya ang refrigerator at kahit nakalagay pa sa galon ang tubig, tinungga niya ito. Habang umiinom ay naramdaman niyang niyakap siya ng binata saka hinalikan siya sa leeg.

"Ano ba, Michael!" masungit niyang suway. Pilit niyang inaalis ang yakap ng binata pero hindi niya magawa. "Michael, bitawan mo nga ako!"

"Galit ka ba saakin?" Napairap siya sa kawalan. Sino ba namang hindi magagalit sa inaasta nito? Siya ang kasama pero ang atensyon ay nasa kausap sa telepono

"Hindi!" pagsisinungaling niya. Iniharap naman siya ng binata sakaniya saka niyakap nanaman siya at hinalikan sa noo.

"Galit ka, alam ko." wika nito. "Yung kausap ko kanina ay—"

"I don't wanna hear it." putol niya. Ayaw niyang makarinig ng katotohanan o kasinungalingan kaya mas mabuting huwag niya munang pakikinggan. "Ayusin mo na ang maleta mo, Michael."

"Alexandra," saad nito at tinitigan siya sa mata kaya naman nakipagtitigan siya dito. "Why are you so mad to me, babe?"

Selos?

Tama selos ang nararamdaman niya. Hindi siya umimik. Bigla siyang hinalikan ni Michael pero hindi siya tumugon. Inililihis pa niya ang labi niya sa labi nito. Maya maya pa ay binitawan na siya ni Michael halatang nadismaya ito sa hindi niya paghalik pabalik.

STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETEDWhere stories live. Discover now