CHAPTER SEVEN

6K 210 23
                                    

CHAPTER SEVEN



ALEXANDRA was holding that bouquet of flowers that she thought was from Michael. Nakauwi na siya nang mga oras na iyon at kanina pa nga niya tinititigan ang bulaklak.

How can you do this to me, Michael? After what you did before, you still have the guts para paikutin muli ako? Napapailing siya sa naisip.

Hindi pa siya nakapag-bihis ng kanyang pambahay dahil nawawala siya sa sarili. Paano kung nagustuhan ulit siya ni Michael? Paano kung nagandahan nanaman ito sakaniya? Tinitigan niya ang mga bulaklak na iyon. Maya-maya pa ay tumayo siya at pinuntahan ang kaniyang trash bin. This is not good, nagsisimula na naman siyang pangarapin ang lalake. Walang pagdadalawang isip na ibinasura niya ang mga bulaklak.

"Hindi mo na ako, mauuto." bulong niya pa bago pumasok sa kwarto upang magbihis. Matapos niyang mag bihis ay narinig niyang nag-ring ang cellphone niya. Keno is calling. Sinagot niya ito.

"Yes, Ken?"

"Girl! Manood ka sa TV dali! Now na!" Kumunot naman ang noo niya sa bungad ng kaibigan. Anong problema nito?

"Why?"

"Just watch!" utos nito. Dahil nga na-curious siya sa kaibigan ay binuksan nga niya ang kaniyang TV sa kwarto. Kumabog ang puso niya nang bumungad sa screen niya ang gwapong mukha ni Michael. In-interview ito ng mga reporter, nasa balita ngayon si Michael.

Hindi niya namalayan na ibinaba na rin niya ang tawag kay Keno. Hindi kasi maialis ang tingin niya sa gwapong mukha ng binata sa screen. Napaka photogenic din kasi nito.

You're really annoying, Alexandra! You don't have to be obsessed with that man anymore! Pagpapaalala niya sa sarili.

"I don't know when I will get married. But I think, maybe when the woman I like becomes my girlfriend." nakangiting saad ni Michael sa tanong ng reporter kung kalian ito mag aasawa. May nagugustuhan na ito? Sino? Tumawa pa si Michael pero napaka sexy ng bawat halakhak nito. Sino ba ang nilalagawan niya? "Sa ngayon, nagsisimula palang akong ligawan siya, hindi pa nga niya alam na gusto ko siyang ligawan. But, I gave her bouquet of flowers this morning."

Napalunok siya at tumingin sa basurahan. Siya ba ang tinutukoy ni Michael? O asuming lamang siya? Hindi na niya tinapos ang interview dahil kulang nalang ay mawawalan na siya ng malay sa sobrang lakas at bilis ng pagtibok ng puso niya. Napaupo na lamang siya sa kama at tinitigan ang basurahan kung saan niya itinapon ang bulaklak. Bigla siyang napabangon at pinulot uli mula sa basura ang mga ito. Hindi niya maintidihan ang sarili. Galit siya kay Michael pero bakit nangangarap siya na siya ang babaeng tinutukoy nito kanina sa TV.

Tumunog muli ang kaniyang cellphone, si Keno uli ito.

"Bakit mo ko pinatayan ng tawag? Napanood mo ba?" pangungulit ni Keno.

"Yeah, kinakabahan nga ako Keno." pag-amin niya.

"You must be really nervous because Michael turns out that he is already courting someone! Kaya makinig ka saakin, don't go on your dinner date." saad nito sa kabilang linya. "He said, he gave flowers to the woman he wants pala this mornin—"

"It was me, Keno." Putol niya sa sinasabi ng kaibigan. "He gave me flowers this morning. Sa office."

"Wait, what?!" gulat na gulat na saad nito. "Video call nga. Gaga ka."

Inilagay niya nga sa video call ang tawag. Bumungad sakanya ang nakakunot na noo ni Keno.

"Anong sabi mo?"

STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETEDWhere stories live. Discover now