CHAPTER EIGHT

5.8K 203 25
                                    

CHAPTER EIGHT


ALEXANDRA was stunned as she entered the door of a high-end restaurant. As she and Michael walked in, everyone's eyes were fixed on them. Masasabi niyang may kaya rin sa buhay ang mga taong kumakain doon dahil hindi sila yung OA maka-react kapag nakakita ng isang sikat na tao tulad ni Michael. Nginingitian lang ng mga ito si Michael at siyempre dahil nakahawak siya sa braso ng binata ay napapansin niya rin ang curiosity sa mga mata ng mga ito.

"This way ma'am, sir." Pag e-escort sa kanila ng isang staff papunta kung saan ang table na naka-reserve sa pangalan ni Michael. Habang nakahawak siya sa braso nito ay hindi niya magawang maalis sa isip niya ang nangyari kanina sa kotse.

Sa isang closed area ang pina-reserve ni Michael. Isang private area ng restaurant kung saan magkakalayo ang bawat tables. At sa pagkakataong iyon ay sila lang ni Michael ang nasa private dine-in table. May mga tumutugtog pa ng violin. Napaka eleganteng tingnan ng bawat gamit sa restaurant na iyon. Talagang pang sosyalan ang dating. Nakakamangha.

Ang ganda ng ambiance, pero andoon parin ang kaba dahil kaharap niya ang binata. Ayon kay Michael ay naka pag order na rin ito ng kakainin nila.Mabuti nalang ay hindi siya mapili sa pagkain, at kahit ano naman ay kinakain niya.

"Want some?" tanong sakanya nito na may hawak na wine kaya ngumiti siya at tumango. Habang inaantay ang pagkain ay nilagyan nito ang baso nila ng wine. "This one, I bought it from France. Try mo,"

Domaine de la Romanee-Conti ang pangalan ng wine at sa palagay niya ay umaabot ito sa halagang $14,723. Dahil isa nga siyang graphic artist ay minsan na rin silang nag promote ng alak galing France.

"Thanks," tipid niyang sagot saka inabot ang wine.

"How are you, Alexandra? It has been a long time. Last time I saw you, graduation pa natin noong high school. And that was what? Eight or nine ye—"

"Ten years, Michael." Lihim pa siyang napairap. Hindi pala nito tanda kung gaano sila katagal na hindi nagkita. Samantalang siya ay tandang tanda niya. Pati ang araw na pinuri siya nito, ang unang beses nilang sex at ang araw kung kailan nakita niya sina Michael at Claere na magkapatong sa storage room.

Bumalik tuloy ang galit niya dito.

"I see," nakangiti pa nitong saad. "Are you single?"

"Are you?" Tanong niya pabalik. Muntik pa niyang maibuga ang iniinom niyang wine sa tanong na ito ng binata. Tumawa si Michael ng mahina. "Napanood ko ang interview mo, single ka ba talaga?"

"Yes, that's true. I'm single, Alexandra." tumatango tango pa nitong sagot. "Single ka rin naman hindi ba?"

"H-huh?"

"I miss you, Alexandra." seryoso nitong saad habang nakatingin sa mga mata niya. "Mabuti nalang at nakita ng team ko ang Art Center mo. And I was happy because you are the owner of it."

"How about Claere?" hindi niya na naman na control ang kaniyang bibig. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito.

Talaga ba, Alexandra? Out of the blue tatanungin mo iyan?

"Claere? What about her? We broke up six years ago. Since then, I haven't dated any woman. And I just decided to take my career seriously, that's why I'm here." sagot ng binata. Ngumiti naman siya ng mapait. Nagtagal din pala sina Claere at Michael. Dahil sa sagot ng binata ay napainom siya ng maraming wine. "Be careful, that's sweet but also intoxicating."

Lumilinaw sa isip niya na talagang walang pakealam sa kaniya si Michael noon. Dahil kung meron man, sana kinausap siya nito noong panahong hindi na niya pinapansin ang binata para naman malinawan siya kung ano ba ang meron noon sakanila. Kung sex lang ba talaga o may feelings din.

STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETEDWhere stories live. Discover now