CHAPTER TWELVE

5.2K 175 10
                                    

CHAPTER TWELVE


NAKANGITI si Alexandra habang nag-eempake ng kaniyang mga damit. Mamayang 8:30am na ang alis nila ni Michael. Hindi niya pa alam kung saan sila pupunta pero sinabi ng binata na ito na ang bahala sa lahat. Susunduin nalang siya mamaya. Fortunately, her boss allowed her to leave for a week. The only reason she was with the boss was that she had to unwind first because of what had happened. Simula nong natapos ang interview ay naubos na rin ng kusa ang mga sawsawero't sawsawera.

She was carrying a suitcase. She also brought very few belongings. It's just that she thinks she can use it for seven days. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya. Si Keno ang tumatawag. Matagal na niyang hindi nakakausap ang kaibigan simula noong lumala ang tsismis. Kaya naman namimiss niya narin itong kadaldalan.

"Yes Keno?" Bati niya.

"Ikaw ha! Nakakalimot kana. Anong ganap?" May pag tatampo sa boses nito.

"Actually Keno, I am going to take a break." Sagot niya. "Pasensya kana kung hindi kita masyadong natatawagan lately."

"Break? Wait, where are you going?"

"Hindi ko alam. Michael didn't tell me kung saan—"

"Wait, what? So magkasama kayo ni Michael na mag babakasyon? For how long? One? Two? Three days?" Gulat at sunod sunod nitong tanong.

"A week." Aniya.

"Wow ha! Baka pag balik mo dito buntis kana!" He shouted. "Saan kayo pupunta? Sa boracay? Palawan? Paris? Canada?"

"I don't know. At hindi naman kami mag a-out of the country." Sagot niya.

"So, Michael is really serious about you." Panunukso ng kaibigan.

"Dapat lang ano." Giit niya.

"Ingat ka girl. So, when is your flight? Tomorrow?"

"Later."

"Talagang gaga ka! If I hadn't called, I wouldn't have known." padabog nitong saad. "Hayy! Bahala kana nga Alexandra. But be safe ha. You're with a famous person, make sure that when you do something strange not in public. And if you're not ready to get pregnant, be careful. Use a condom naman, delekado pa rin ang withdrawal—"

"Noted, Keno." Saad niya. "All right. I'll take a shower and later Michael will pick me up."

"Ikaw na! Ikaw na maganda! Ikaw na may Michael!" Sigaw pa nito kaya natawa siya bago ibinaba ang tawag.

Simpleng pang travel lang ang kaniyang sinoot. She wears fitted jeans, long-sleeve-turtle neck-crop top and flat-pointed shoe. Nagdala rin siya ng extra coat and sunglass. Hindi siya masyadong nag ayos. Hinayaan niya lang na mas natural ang kaniyang hitsura. Sandali pa ay may nagdoorbell na sa kaniyang pintuan kaya napangiti siya at excited na hinila niya ang kaniyang maleta.

"Ready?" Bumungad sakaniya ang gwapong si Michael. Malapad ang mga ngiti niyang tumango sa binata. Nakasoot ito ng simpleng jeans at simpleng black v-neck shirt at naka sunglass rin ito gaya niya. May dala rin itong brown coat gaya ng sakanya. Kahit papano ay mag ka match ang kanilang outfit. Nakakatuwa. Hiniwakan ni Michael ang kamay niya at ito na rin ang humila sa maleta papuntang parking area.

"Let's go, babe. Batanes is waiting for us." napadilat siya sa sinabi ng binata.

"B-batanes?" Tila kumikinang ang mga mata niya sa sinabi ng binata. Nakangiti namang tumango ito. Matagal na niyang gustong makarating sa Batanes. Kaya lang, dahil may kamahalan ang biyahe at accommodation doon ay mas pinili niyang sa iba nalang pumunta. Sa sobrang tuwa ay napayakap siya sa binata. Natawa naman sakaniya ito.

STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETEDWhere stories live. Discover now