CHAPTER TWENTY-TWO

5.2K 160 9
                                    

CHAPTER TWENTY TWO



"I love you. Aayusin ko ito, pangako. I am sorry. Dahil sa akin, nawala ang anak natin. Babawi ako, Alexandra. Magpagaling kana, okay?" Gusto nang tumulo ng mga luha ni Alexandra nang mga oras na iyon ngunit pilit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Halos mahulog ang puso niya nang halikan siya ni Michael sa noo.

She heard it all. Oo, tinurukan siya ng pampakalma ng doctor, nawalan lang siya nang lakas at hindi nawala ang senses niya. Ayaw lamang niyang makita si Michael dahil kumukulo ang kaniyang dugo. Galit na galit siya at wala siyang lakas para bugbugin ito. Ipinikit niya nalang ang kaniyang mga mata para hindi makita ang lalaking kinaiinisan niya.

Ngunit nung narinig niya lahat ng paliwanag ni Michael sa kaniyang mommy. Para bang gusto niyang tumayo mula sa pagkakahiga at yakapin ito. Ngunit wala siyang lakas. Ang tanging nagawa niya lang ay pigilin ang luha at pumikit.

It's just a misunderstanding. Bakit nga ba hindi muna niya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang lalaki? Bakit ba nagpadala nanaman siya sa kaniyang emosyon?

"A-Alexandra?" Nakita siya ni Keno na dilat ang mata at umiiyak. "A-akala ko ba ay tulog kana?"

"W-where did he go?" Humihikbing tanong niya sa kaibigan. "I was wrong! B-bakit nga ba hindi ko muna siya pinakinggan?"

"N-narinig mo lahat, hija?" tanong ng kaniyang mommy kaya humihikbing tumango siya. Niyakap naman siya ng ina. "Babalik din si Michael. Hintayin nalang natin ha?"

"Nasasaktan rin siya sa pagka wala ng baby niyo, Alexandra." dagdag ni Keno. Ramdam niya rin naman iyon. Michael was never cried that much. "So, okay kana ba, Alexandra?"

"I can't move my body. Baka dahil ito sa itinurok ng doctor." saad niya. "But, I'm fine. Ngayon at alam ko na ang totoo, kahit papano nabawasan ang sakit."

"I am glad that you are back, Alexandra." natutuwang saad ni Keno at niyakap siya. Maybe Michael is the only medicine she needed. "Akala ko ay sa mental na ang bagsak mong bakla ka!"

Natawa siya ng kaunti sa sinabi ng kaibigan. Siguro dahil nalaman niyang hindi pala talaga siya naging isang kabit. At alam niyang matutulungan siya ni Michael sa pagmo-move on sa pagkawala ng anak nila. Napaluha pa siya nang maalala muli ang baby. Siguro kailangan nalang niyang tanggapin ang pagkawala nito.

"Kung buhay sana ang baby namin ni Michael, magiging isang pamilya na sana kami." Saad pa niya.

"Anak, huwag kana masyadong mag-isip, okay? Siguro hindi muna para sainyo ang baby. Siguro may mas magandang plano para sainyo ang Maykapal." nayakap nalamang nya ang kaniyang ina.

"Mommy, gusto kong manood ng balita." bigla siyang humiling sa ina. Pakiramdam niya kasi ay gusto niyang mapanood kung ano pa yung mga ibinabato ng mga tao laban sakanya o sakanila ni Michael. She's ready to watch those trash. Gusto lang niyang makita ang mga mukha ng mga nagre-report para alam niya kung sino ang kaniyang sasampahan ng kaso.

"Pero anak sigurado ka?" ngumiti siya sa ina at tumango.

"Hoy gaga! Baka mamaya eh, mag freak out ka nanaman ha?" si Keno naman ang nagsalita.

"I won't. Wala akong lakas ngayon, Keno." napabuntong hininga naman ito bago inabot ang remote. Pagkabukas na pagkabukas nito sa TV, news agad tungkol kay Michael ang lumabas.

"...Masasabing false issues ang mga ibinabato ng mga tao sa sikat na host ng ating bansa na si Michael Drey Stanford. According to the married couple Mr. and Mrs. Zichael Drake Stanford, his twin is a hundred percent not married. The Filipino people were also shocked by the exposure of the host's twin, who is actually very similar to him—"

STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETEDWhere stories live. Discover now