CHAPTER SIX

5.9K 205 27
                                    

CHAPTER SIX


"ANGIE, can't I really cancel the interview?" Alexandra asked her secretary. Mamayang gabi na nga gaganapin ang interview sa show ni Michael and she is not ready to face that asshole!

"Nako, Miss Alex, hindi na talaga pwede. Sinubukan ko naman pong sabihin sa manager ni Mr. Stanford but he said that the agreement can't be cancelled." napasabunot nalang siya sa kaniyang sariling buhok sa sinabi ng kaniyang secretary.

Sabado ngayon at mamayang gabi na nga ang program ni Michael kung saan siya ang iinterviewhin nito. Nasa Art Center siya ngayon at wala na siyang ibang ginawa kundi kulitin ang sekretarya na i-cancel ang interview.

"Eh bakit nga ba kayo aatras, Miss Alex? Si Mr. Michael Stanford kaya yon!" Kilig na kilig na saad nito na para bang kilig na kilig. "The Michael Drey Stanford! Ang pinakagwapo na host, ang ideal man ng lahat!"

Ideal man? Halos masuka siya sa sinabing ito ng sekretarya. Paano naging ideal man ang gagong Michael na iyon? Sabagay, hindi kasi nila ito kilala.

"Angie, just get back to work." seryosong utos niya kaya naman umaayos na ito.

"Yes, Miss Alex," nakangiti nitong sagot saka ipinagpatuloy ang trabaho.

Dahil wala ng atrasan, papanindigan niya nalang. Iisipin na lamang niya na hindi niya kilala si Michael mamaya sa interview. Pero naiinis siya sa sarili, bakit nga ba siya nag oo? Nang tanungin niya ito sa sarili ay na realize niya din na para rin iyon sa business niya, para makilala ang art center niya sa buong Pilipinas. Tama, yun nalang ang kanayang iisipin.

Hindi alam ng kaibigan niyang si Keno ang tungkol sa interview kaya naman, malamang magugulat iyon kapag napanood siya sa TV na kasama ni Michael.


***


ALEXANDRA is wearing baby pink fitted above the knee dress for the interview. Hindi naman siya masyadong nag aayos pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sobrang nag ayos siya sa sarili. Maybe, so that Michael can see that she is not as ugly as he said before to his friends. Habang nasa waiting Area siya ay hindi niya maiwasang kabahan. Hindi niya lubos akalain na ngayon niya makikita muli si Michael.

"Miss Alexandra, ang ganda niyo talaga!" nakangiting puri ni Angie, kasama niya ito dahil ito ang sekretarya. Nginitian niya lamang ito. Nagstart na ang program ni Michael at inaantay na lamang ang calling niya. Kinakabahan siya at parang gusto na lamang niyang maglaho sa sobrang kaba.

Ilang segundo nalang at makikita ko na ang lalakeng kinamumuhian ko.

"Alexandra Buenaventura," tawag sakaniya ng isang staff na naroon. Napalunok siya, hudyat na iyon na kailangan niyang ihanda ang sarili. Tumayo na siya at pumasok sa loob ng studyo.

Kaya mo yan, Alexandra. Pakiusap niya sa sarili saka sinubukang ngumiti bago pumasok sa studio kung saan ginaganap ang program ni Michael.

"Please welcome, the owner of AB Art Center, Alexandra Buenaventura!"

She heard Michael's voice and at the same time the applause of the people as she entered. She couldn't take her eyes off Michael. He was different from the Michael she knew before. He was taller, and his gorgeous features more defined. She hadn't seen him for ten years. He was more gorgeous now.

Ano ba yan, Alexandra? Ano? Rurupok ka nanaman dahil nakita mong gwapo pa rin talaga siya? Saad niya sa sarili. Para kasing wala siyang pinagkaiba sa teenager na minsang nagkagusto rito. Nanginginig ang mga tuhod niyang lumapit dito habang pinapanood sila ng maraming tao. Inabutan pa siya ni Michael ng isang rosas at nanginginig ang mga kamay niyang inabot ito.

STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETEDWhere stories live. Discover now