Lahat ng babae ay nandoon nakasakay sa isang kotse kung nasaan sila Kuya Steph at Kairen. Sinusundan lamang namin ito dahil hindi namin alam kung saan ang tungo nitong byaheng ito.
"Nikola." I startled a bit when I heard TeDa calling my name.
"Bakit po?"
"Maganda ba si Nikole?" agad akong namula at nabuhay naman ang malakas na hiyawan ng mga mokong naming kasama dahil sa pang-aasar ni TeDa.
"P-po? Opo." Medyo sabog kong sabi dahil biglang nanlamig ang kamay ko ani mo'y magiging si Queen Elsa na ako ng Frozen. Teka, lalaki pala 'ko, nakalimutan ko.
"Gusto mo ba?" nabilaukan ako ng hangin noong madinig ang tanong ni TeDa. Bakit ba ganu'n ang mga tanong nila sa'kin ngayon?
"Ako TeDa, gusto ko si Nikole." Agad nagpanting ang aking tenga sa nadinig ko at nakita ko rin ang bahid ng pagkagulat nila Lid noong madinig ang pag-amin ni Kuya Ei.
"ANO?"
"Chill, Iko. AHAHAHA! Gustong maging hipag kasi. AHAHAHA!" they all laughed loud like a roaring lion. Darn it, pinagtitripan na naman ako ng mga 'to.
"Admit it, Kuya Iko. Magaganda lahi ng mga taga-Raeth." In love na saad ni Lid at parang iniisip si Sinuelle. Yuck, samahang in love.
"Ay nako, Lid. Gusto mo bang kotse?" natatawang saad ni TeDa dahil sa pambobola ni Lid.
"UY HAYOP 'TO SI KUYA, BIGLA-BIGLA LAGING HUMUHINTO!" Napasubsob kami dahil sa biglaang paghinto ng kotse namin.
Nakita ko ang paglabas nilang lahat isa-isa sa kabilang kotse ngunit noong si Nikole na ang bumaba ay parang...
"Nag-slow motion ba, kapatid?" humagikhik naman si Kuya Ei matapos ng pagbulong niya. Lumabas muna kami sa magkabilang pinto bago ako napatango bilang sagot.
"CONFIRM!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Kuya.
"Ano? Na bakla ka?" natatawang tanong ni Kairen na nasa tabi ko na pala.
Bakit ba parang mga kabute mga 'to? Kung saan-saan sumusulpot.
"Na in love si Iko!" Aba't-mga walang pinipiling lugar sa pang-aasar ah.
Nakita kong napalingon si Nikole sa posisyon ko kaya nailang agad ako.
"HOY! TARA NA SA LOOB!" sigaw ni Ririe kaya iginiya na namin ang sarili namin papasok sa isang tree house na restaurant. They say that this was a nature-friendly kaya gusto talaga namin.
Ririe rented the whole restau para daw masolo namin. Umupo kami sa malapit sa bintana at doon ko nakita na nasa taas pala kami ng bundok. Leche, kaya pala parang paikot-ikot kami kanina sa biyahe.
Matapos umorder ng pagkain dahil nagutom na naman daw sila, nahagip ng paningin ko ang namumungay na mata ni Nikole.
"A-Are you okay, Nikole?" alala kong tanong sa kaniya at agad napalingon ang mga kasamahan namin at binigyan kami ng makabuluhang tingin.
"N-Nahihilo lang kasi ako, pero okay lang."
"Aba, Kuya Iko, samahan mo muna sa labas para makalanghap ng malinis na hangin," Halatang sinadyang saad ni Iza dahil kinindatan ako nito. Binigyan naman nila ako ng 'I-push mo na 'yan' look.
I was left with no choice kun'di samahan na lang si Nikole sa labas, "Nahilo ka ba sa biyahe?"
Tamlay siyang tumango sa akin bilang sagot. Ihinilig ko naman ang kaniyang ulo sa aking balikat habang tumungo sa isang bench dito na nakaharap sa magandang paligid. Sakto namang dapit-hapon na ngayon.
"My favorite part of the day..." sabay naming saad ni Nikole habang pinagmamasdan ang araw na papalubog pa lamang. Napangiti na lang kami sa isa't isa at pinagpatuloy na ang paglingon sa paligid.
"Nikole?" I whispered and sighted her face who's currently leaning in my shoulder.
"Hmm?"
"Why do you always give me premature ventricular contractions when I'm with you?"
Oh gods, anong ginagawa ko?
"H-huh?"
"11²+9x thrice decreased fifths," I gulped before I taked up again, "2048 divided by zero."
Please, tell me that your brain system tangled up while processing that. Please...
"You must be the square root of two because I always feel irrational around you. I love you too, Nikola... 2048 divided by zero."
History repeats itself... Kagaya ni SaMo, umibig din ako sa isang taga-Raeth.
At isang taga-Raeth din, ang siyang umibig sa akin.
•
END OF CHAPTER
thana mormoraina
2020
YOU ARE READING
The Entangled Strings
Science Fiction𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 15 𝐢𝐧 #𝐭𝐡𝐞𝐨𝐫𝐲 ▂ ▂ ▂▂ ▂▂▂ ▂ Do you believe that we are not alone living here in this universe---or should I say... multiverse? This journ...
XXII| HISTORY REPEATS ITSELF
Start from the beginning
