"Ay teka, wala pa ring tatalo sa Nikolea," banat ni Kuya Steph at tinulak kami papalapit ni sa isa't isa ni Nikole.
Ay, ano 'to, kabataan?
Nanlaki ang mata namin ni Nikole noong nagkadikit muli ang katawan namin kasabay ng pagbalot ng malalakas na hiyaw na 'yieee' dito sa loob ng dining.
"Wait there's more! Baka nakakalimutan niyo ang KaiRie? Yung Fansclub nila ay umabot na ng milyon base sa nakita ko sa FB page na ginawa nung mga nakabugbugan namin sa bar!" habang kami ay kinikilig ay bigla namang nangunot ang noo nila TeDa at SaMo.
"Loko tol, nadulas ka!" binatukan ko si Kuya Ei dahil sa kaniyang sinabi. Hindi nga pala alam nila TeDa at SaMo na nakipagbugbugan sila.
"Hehe, peace po. Close na naman po kami ngayon nung mga kumag na 'yun. Hehe." Kuya Ei showed a peace sign na ikinatawa namin. Pati nga si Mayi ay tumawa rin.
"By the way, Ririe. What's with the free clothes?" tanong ni Kairo sa kabatid ko at tanging isang ngisi lamang ang sinagot niya bago lumingon sa side ni Kairen at kinindatan ito. Mukang may sikreto yung dalawa.
"Hoy, Kuya! 'Wag naman gan'yan, kakabati pa lang natin eh!" Kairo pouted ngunit kinurot lang ni Ririe ang magkabilang pisngi nito dahilan upang mamula si Kairo. Luh, hayop ang haharot.
"Secret!"
•••
Ngayon ay prente kaming namimili ng gagamitin naming kotse dito sa office ng mga Villesiá na malapit lang sa condotel na tinuluyan namin dahil may pupuntahan daw kami. Napagpasyahan din naming magdalawang kotse upang hindi kami magsiksikan.
Sa 'di kalayuan ay doon ko namataan ang babaeng nakasuot ng gradient black and white summer dress while touching a black Ferrari car. My heart suddenly beats fast again and my eyes were locked to hers. Ampotek.
"Baka matunaw, tol." Nagulat ako noong makita ko si Lid na katabi ko na pala. Bakit matutunaw? Ice cream, ba siya?
"Aminin mo na lang kasi, kuya. May gusto ka talaga kay ate Nikole." Singit ni Kairo na nasa kabilang gilid ko na pala.
"Halata ka na naman kasi masyado, Iko. I can see the love in your eyes." Gulat akong napatitig kay Kuya Steph na nakadapa sa bubong ng 2020 Lamborghini Aventador na sinasandalan ko.
"Kuya Steph, anong trip mo?" natatawang tanong ko sa kan'ya kaya tumawa din kami.
"Tingnan mo 'ko kay Sinuelle, kuya. Kahit kagabi ko lang siya nakita alam ko na agad na gusto ko siya." Kinikilig na saad ni Lid sa akin. Loko, maharot ka lang talaga.
"Tingnan mo 'ko kay Ririe, kuya. Kahit lagi akong inaaway niyan tinitiis ko pa din siya kasi gusto ko talaga siya." Titig na titig si Kairo kay Ririe habang sinasabi 'yon sa akin. So, ang susunod mo bang sasabihin ay "kuya, mamamanhikan na talaga kami, pakakasalan ko na si Ririe" gano'n?
"Tingnan mo 'ko kay Kairen, Iko. Kahit ngayon ko lang nakita 'yan crush ko na agad 'yan kasi ang pogi." Natawa kaming lahat noong nagsalita si Kuya Steph ng may bahid ng pagkabakla. Adik talaga.
Napaisip tuloy ako bigla sa sinabi ng mga 'to. Gusto ko na nga ba talaga si Nikole?
"Mga kumag tara na daw-Steph naman, ba't nand'yan ka sa taas ng kotse ko?"
"Sorry, crush Kairen!" napailing na lang kami habang bumababa muna si Kuya Steph sa bubong ng kotse ni Kairen bago kami tumuloy na sa biyahe.
YOU ARE READING
The Entangled Strings
Science Fiction𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 15 𝐢𝐧 #𝐭𝐡𝐞𝐨𝐫𝐲 ▂ ▂ ▂▂ ▂▂▂ ▂ Do you believe that we are not alone living here in this universe---or should I say... multiverse? This journ...
XXII| HISTORY REPEATS ITSELF
Start from the beginning
