XXII| HISTORY REPEATS ITSELF

Magsimula sa umpisa
                                        

Amputspa. Nananadya ba talaga?

"N-Nikole paabot n-naman yung t-tuwalya," Isinabit ko nga pala iyon sa pinto kanina, leche.

She nervously grasped the towel at naglakad papunta sa direksyon ko ng patalikod. Hindi niya napansin na bahagyang nakaelevate ang sahig papalapit sa akin dahil nga wala siyang makita.

"Ampotek." my body touched hers when it leaned into mine. Nawalan kasi siya ng balanse kaya nahulog siya sa akin.

Napapikit siya at mabilis na inabot sa'kin ang tuwayang hinihingi ko bago tumakbo papalabas sa banyo.

My heart beats fast as if I drank a gallon of brewed coffee and my face is currently burning like a tomato now.

Nagpunas at nagtapal muna ako ng katawan noong nahimasmasan na ako bago lumabas ng banyo. Doon ko nakita ang isang paper bag.

'Here's your clothes, kuya. Prepare for today!' Ririe's handwriting. Siya lang and doktor na maganda ang sulat. Sana lahat 'di ba?

Ano naman ba ang pinaplano nito?

Ibinuklat ko ito at dito ko nakita ang isang puting t-shirt designed with a cute Mickey Mouse in the upper left partnered with midnight-colored board shorts. Agad ko itong sinuot at tuluyan nang lumabas sa kwarto ko.

Lahat kami halos ay nandito na at tanging kulang na lamang ay si TeDa at SaMo. An indulging aroma trespassed my nostrils, nakakagutom naman.

"Rie, kain na tayo, gusto ko na matikman luto ng asawa ko," Kairo pouted while the twins didn't waste any second para batukan siya.

"Kapal mo, Kairo ah. Hindi pa nga kayo eh!" akmang babatukan pa sana ni Kuya Steph si Kairo na kasalukuyang tumatawa pero biglang lumabas sa kwarto si SaMo at sumunod naman si TeDa. Sa tabi ng pintuan ay doon ko nakita si Nikole na nahuli kong nakatitig sa akin. Ampotek.

Katahimikan ang muling bumalot sa paligid-or should I say, awkwardness.

"K-Kain na tayo?" pag-aaya ni Ririe sa amin. She looked good wearing a summer dress, all the girls were. Pati si Mayi ay ang cute rin sa kaniyang sout.

Tahimik naming iginiya ang sarili namin papuntang hapagkainan at tahimik na pinagsaluhan ang niluto ni Ririe na steak at carbonara.

"U-Uh... about yesterday," Ririe broke the trance of silence while she landed her gaze upon TeDa, "I-I'm really sorry TeDa, SaMo. Sorry po napagtaasan ko kayo ng boses, sana po hindi kayo magalit."

A smile arise from my parents face before avouching, "No, kami nga dapat ang manghingi ng sorry kasi kami naman yung may mali."

After that, my parents hugged Ririe at hindi na din namin napigilan ang saril namin kaya tumayo na rin kami mula sa aming kinuupuan upang makiyakap din.

"Nikole, Sinuelle! Ano ba, Sali kayo sa'min!" pag-aaya ni Kairen noong napansing hindi sumasama sa amin ang dalawa. Agad napunta ang tingin ko kay Nikole at nasaktuhan na naman siyang nakatitig sa akin. Ampotek.

Noong ayaw pang tumayo ng dalawa ay yung kambal na ang humila sa kanila upang isama sa amin. Mabuti na lang ay medyo magkalayo ang pwesto namin ni Nikole kaya hindi ako gaanong nailang.

"Hoy Lid, si Sinuelle lang naman niyayakap mo eh!" mapang-asar na anas ni Kuya Steph kaya natawa kaming lahat bago kumalas sa group hug na naganap.

"Ano ba, kuya. Support SinuLid na lang." kinikilig at mapang-asar na saad ni Lid na mas lalong nagpatawa sa amin. Ampotek, ang harot akala mo naman may label.

The Entangled StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon