Chapter 15: Forbidden Spell

5.9K 329 37
                                    


.


"Not there, too?"




Together with Jhea, we scan the library. Binubuklat namin ang bawat libro kapag walang nakalagay na title sa cover page. Sabi niya ay kulay kayumanggi raw ito tsaka may kakapalan. 'Yon daw ang huli niyang tanda sa libro kaya doon din kami magbabase, at okay na sana...pero halos lahat ng libro na naririto ay kayumanggi.




It's been four hours but we're still on the west part of the library. Ni hindi pa nga kami nagkakalahati pero nakakaramdam na ako pamamanhid ng kamay at paa.




Napabuntong hininga nalang ako at napasalampak ng upo sa sahig. Ganoon rin ang ginawa niya at magkaharap na kami ngayon. Pareho kaming nakasandal sa shelve at walang ni isa sa amin ang nagsalita. Nararamdaman kong pagod rin siya.




"Nakakapagod." Sambit niya sa mababang boses at tumingin sa akin. "Kumusta ang sugat mo?"




Hinawakan ko ang aking kaliwang balikat. "Okay na. Wala na ang sakit."




Napatango siya. "Mabuti naman kung ganoon. Dahil kapag napuruhan ka talaga nila..." naningkit ang mga nata niya. "...titirisin ko sila ng paunti-unti hanggang sila ay mamatay."




Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa sinabi niya o maiiling. Napakaseryoso kasi ng mukha niya pero hindi man lang ako nakaramdam ng takot. Siguro dahil kampante akong hindi niya gagawin sa akin 'yon? Hindi pa ganoon katagal nang kami'y nagkakilala pero komportable na ako sa kan'ya. Maybe because she's my only girl classmate? Oh, well.




"Nagugutom na ako."




Nang banggitin niya 'yon ay sakto namang tumunog ang tiyan ko na ikinatawa niya habang ako naman ay napapikit.




"Cafeteria?" Aniya na agad kong sinang-ayunan.




Sabay kaming tumayo at lumabas ng library. Habang naglalakad ay agad na nakaagaw ng pansin ko ang ilang mga estudyanteng nagmamadaling naglalakad, habang 'yung iba naman ay tumatakbo na.




Napakunot ang noo ko. "Anong pinagkakaabalahan nila?" Tanong ko kay Jhea na katulad ko ay tahimik ring naglalakad.




"Sila 'yung mga estudyanteng nabibilang sa Special Section. Some of them has the ability to restore what's broken, while some can froze enemies and sent them to dungeon using the portal." Then she smack her lips. "Very useful in times like this." Dagdag niya pa.




Bahagyan akong napangiwi habang nakakunot parin ang aking noo. Ngayon ko lang narealize na Elite Section lang ang alam ko, and well, there's Special Section. I wonder kung ilang section ang meron?




Maybe we're divided based on our power and special ability? If so...then there is Sorceress Section, Elemental Section and such?




Wala sa sariling napabaling ako sa glass wall at nakita ang papalubog na araw. Natutuwa nga ako dahil ang ganda ng kulay. May kahel, dilaw at bughaw, tapos nakakadagdag pa sa ganda ang ulap na medyo nagfefade away. At nang mapadpad ang tingin ko sa baba ay natanaw ko ang mga kapwa ko estudyante na may hawak na...teka ano 'yon? Magic Wand? They are probably witches.




Woah! Awesome. Napakagraceful nilang tingnan habang nagcacast ng spells. Tapos nagshashine pa ang dulo ng wand nila. Galing!




Patuloy kong pinagmamasdan ang paligid hanggang sa makarating kami sa cafeteria. At dahil hindi pa naman oras para sa dinner ay wala pa masyadong tao.




Porsha Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now