Chapter 12: Guy Behind The Mask

6.6K 352 40
                                    


.

Pagkatapos ng training namin kanina ni Blood ay agad akong lumabas ng training room at dumeretso sa classroom.


We parted ways without saying anything. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng pagtatampo sa kan'ya. Dahil sa sinabi niya. I mean, alam ko naman na kung ano ang pinanggagawa ko pero hindi naman niya kailangan pang sabihin 'yon.


Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero makalipas ng ilang minuto matapos naming mag-usap ay parang may malakas na enerhiyang dumaloy mula ulo hanggang sa paa ko. After that, a familiar white light exploded with so much force making me gasped. Hindi ko alam kung paano ko napalabas 'yon. But I think it's because of the emotion I feel in that moment. I wasn't in focus when that occured.


I think I know how now. How to release my power using my emotion.


It's because I feel sad and a pain in my heart. It wasn't a good idea, indeed. I almost made the whole training room destroyed.


Almost!


Bumuga ako ng hangin at umub-ob sa aking mesa. Ngayon palang alam ko nang mahihirapan ako sa pagkontrol sa aking kapangyarihan. Pero hinihiling ko na sana makayanan ko 'to.


Nag-angat ako ng ulo nang marinig kong bumukas ang pinto at doon ko nakita si Gino at Enzo na parang mga bagong gising. Nakakatuwa pa na sabay naghikab ang dalawa na parang bata.


"Hey, Zeilyn." Inaaantok na saad ni Gino at umupo sa kanyang upuan, habang si Enzo naman ay diretsong natulog nang makaupo.


"Bakit pala kayo nandito?" Tanong ko.


Naghikab ulit si Gino bago sumagot. "Pinapunta kami ni Ma'am Trecia dahil may sasabihin daw sila ni Sir Niel."


"Ah. Okay." Tanging saad ko at nakapanglumbaba. Nagugutom na ako. "Mamaya pa ba sila dadating?"


Lumingon sa gawin ko si Gino. "Bakit?"


"Punta muna ako ng cafeteria para bumili ng pagkain. Hindi pa kasi ako nakapag-snack."


He arched an eyebrow. "It's past lunch already and you haven't eaten?"


"I forgot about the time. Naging abala kasi ako sa pagte-training."


Napatango siya. "You must be hungry. Go now, wala pa naman 'yung iba, eh."


"Thanks." Ani ko at nagmamadaling lumabas ng classroom at nagtungo sa cafeteria.


Pagkarating ko ay agad akong pumunta sa counter para mag-order. "One-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay inilapag na ng babae sa aking harapan ang isang paper bag at ngumiti.


Nagtaka ako. "I didn't-" she cut me off.


"Mr. Hamilton ordered us to give this to you. Alam niyang pupunta ka rito ngayon kaya siya na ang nag-order para sa'yo."


Nakatitig lamang ako sa paper bag, hindi makapagsalita. Blood just really did this for me?


Parang wala sa sarili kong kinuha ang paper bag at walang imik na lumabas ng cafeteria. Kahit sa paglalakad ko sa hallway ay hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Blood. It was so generous of him.


Nang makarating ako sa classroom ay sina Gino at Enzo parin ang naroon kaya naupo na ako sa aking upuan at isa-isang nilabas ang mga pagkain sa paper bag.


Porsha Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now