Simula

72 2 0
                                    

Simula


In the movie, Rapunzel was nearly 18 years old nang lisanin niya ang tower na pinagtataguan sa kanya ng kanyang Mother Gothel.


At ang nagtrigger sa kanyang gawin iyon? Ang mga lanterns na ipinapalipad tuwing sasapit ang kanyang birthday as the long lost princess of their kingdom.


As I recall, halo-halo ang naging emosyon ng prinsesa nang nakaapak ang kanyang paa sa legit na lupa. Humihiyaw siya para sa freedom, at the same moment, ina-anxious din dahil sa mararamdaman ng ina.


Kung ikukumpara ako kay Rapunzel—wala.


Wala akong nararamdamang kung ano habang nakatayo ngayon sa gitna nang mataong pamilihan sa malapit na bayan.


Nananatiling blangko ang aking mukha kahit na ito ang unang beses na self-exploratorion sa labas matapos ang mahabang taon.


Nasaktan nang bahagya ang aking pisngi sa bumagsak na malaking patak ng tubig mula sa langit. Tiningala ko ito upang siguraduhin kung tama ba ang hinala kong nagbabadya ang isang malakas na ulan.


Kulay gray na ang kalangitan kaya nag-umpisa nang sumilong sa gilid ng pamilihan ang mga mamimili.  Ilang segundo lang ay tumuloy na nga ang malakas na ulan kaya unti-unti na rin akong nababasa sa gitna ng kalsada.


Naestatwa akong nakatayo roon lalo na nang marealize na wala pala akong dalang payong. Isang knapsack na punong-puno ng mga pinamili na gulay at karne lang ang aking dala.


"Hija!"


Tiningnan ko ang isang naglakas loob na tumawag sa akin. Dahil ako na lang ang naiwan sa gitna, tiyak kong sa akin ang tawag na iyon. Naagaw ko tuloy lalo ang atensyon ng mga mamimili at tinderong nakasilong na rin sa mga maliliit na silungan at mga eskinita.


"Kasya ka pa rito oh.." alok ng matandang tindero na umusog nang bahagya sa kanyang kanan upang ipakita na may masisilungan pa ako 'ron sa tabi.


Inilingan ko iyon.


"Hindi na po," saad ko sa monotone na boses.


Natiyak ko namang narinig ito ng matanda lalo na nang mag-umpisa sa pagrereklamo ang mga mamimiling nakasubaybay pala sa amin. 


"Ang arte naman nito."


"Hayaan mo na, Manong."


Nangungusap pa rin ang mga mata ng matanda kaya umpisa na akong nagmove-on sa paglalakad sa kabila ng malakas na ulan.


Napakabait niya at nais ko sana siyang ngitian ngunit wala naman akong kakayanang gawin yon.  I can't express my emotions.


Tumulak na ako roon habang pinaplano ang susunod na pupuntahan.


Kapag nalaman ni Nanay Aida na tumakas ako sa driver, tiyak na abot langit ang sermong matatanggap ko sa matandang tagabilin nina Mommy.


The Fall TherapyWhere stories live. Discover now