Muling pagtatagpo

42 14 5
                                    

Isang araw na ang lumipas nang umalis ang ginoo sa aming isla. Ngayong araw na rin ang pagbabalik nila ina mula sa kabilang isla. Hinihintay ko na lamang ang kanilang pagbabalik habang nililinis ako ang aming mga silid. Mabuti na lamang at madali kong natapos ang pagluluto kung sakaling uuwi sila ina ng hindi pa nakain. Batid kong sila'y pagod rin sa kanilang biyahe kaya inayos ko kaagad ang kanilang mga silid.

Pinasok kong muli ang silid ni ina kung saan natutulog ang ginoo noon. Noong pinagmamasdan ko siyang matulog-ang kaniyang mukha ay payapang nananaginip. Hinawi ko ang aking buhok nang may nalaglag papunta sa aking mukha. Ano ba naman itong aking iniisip? Tila ba'y hinahanap ko pa rin ang presenya ng ginoo. Isang kahibangan ang pumapasok sa aking isipan. Kamusta na kaya ang kalagayan ng ginoo sa Santorini? Hiling ko sana'y nasa maayos siyang kalagayan.

"Anak?" Nang marinig ko ang tinig ina dali-dali akong tumakbo sa pintuan upang salubungin silang dalawa ni ama.

Niyakap ko sila nang mahigpit at ganoon din sila sa akin. Kinuha ko ang kanilang mga gamit para ayusin ito para itabi sa kanilang mga silid. Muli ko silang binalikan sa lamesa upang tanungin kung sila ba ay gutom ng maipaghanda ko sila ng pagkain.

"Kumain na kami, anak, salamat sa pang-aalok," ani ni inang tumayo at dumiretso sa kaniyang silid.

"Hayaan mo na ang iyong ina pagod lamang iyon sa biyahe," ani ni ama.

Kami na lang ni ama ang natira sa lamesa. Umusog ako ng kaunti kay ama upang tanungin sana siya kung gaano kaganda sa Santorini. Humalakhak siya ng kaunti dahil alam niya kung gaano ako kasabik makarinig ng balita kapag ang paksa lagi ay ang isla ng Santorini.

"Sa iyong titig pa lamang anak alam ko na gusto mong makirinig ng tungkol sa Santorini. Kapag isla ng Santorini ay nabubuhay ang dugo mo." Umayos ng upo si ama at umubo hudyat na naghahanda na siya para mag kuwento.

Nagsimula na nga si ama na magkuwento. Ibang-iba raw ang pamumuhay ng mga tao roon kaysa rito sa amin, mas maraming tao ang mga nandoon at ang ilan daw sa kanila ay mayayamang pamilya. Magaganda ang kasuotan nila at hindi pangkaraniwan hindi gaya ng aming kasuotan na simple lamang. Balita pa nga raw ni ama na pagmamay-ari ng isang mayamang tao ang isla na iyon. Mas maraming dumadayo doon na turista hindi kasing dalas ng mga bumibisita sa aming isla.

Mayroon daw roon na isang magarang balay na tinutuluyan ng mga turista, tinatawag raw itong beach resort. Isa rin daw sa pinakamagandang lugar sa Santorini ay ang baybayin lalo na kapag sasapit na ang ala sais ng hapon at palubog na ang araw dahil kitang-kita doon ang unti-unting paglubog ng araw sa kanluran.

Mas lalo ko tuloy ginustong makapunta roon dahil sa mga kwinento sa akin ni ama. "Anak, maaari ba akong magtanong sa iyo? Maaari bang katotohanan din lamang ang aking maririnig?"

Sa tono ni ama alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Marahil nakarating na sa kaniya ang balitang may nakasama akong isang ginoo dito sa balay. Siguro'y sinabi na sa kanila ng aming mga kalapit bahay na nakakakita na kasama ko ang ginoo.

"Opo ama. Ano ho ba itong katanungan na nasa inyong isipan?"

"Sino itong sinasabi nila na ginoong iyong kasa-kasama noong kami'y wala sa iyong tabi?" seryosong tono ni ama.

"Ama, ang tinutukoy mong ginoo ay aking ginamot sapagkat akin siyang natagpuan na duguan sa loob ng ating balay na nakalimutan kong isara noong araw na kayo'y aking inihatid sa sakayan papuntang Santorini. Huwag ninyo po sanang isipin na ang ginoong iyon ay aking iniirog. Ako'y nagmagandang loob lamang sa ginoo ama." Ngumiti lamang si ama sa akin at hinagod ang aking maalon na buhok.

"Naniniwala ako sa iyong isinalaysay anak. Nais din itong marinig ng iyong ina mula sa iyo. Palagay ko'y ikaw pagsasabihan ka niya tungkol rito." tumayo siya at lumingon ulit sa akin, "Siya ako'y magpapahinga muna anak."

The Sunset in SantoriniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon