“You have a crush. Nikole ata pangalan eh.”

“I don’t have crush, Kairen. Lakas mo makateenager.”

“Hay, tol. You’re mind keeps on telling you that but your heart…” he paused and pointed my heart. “Keeps on screaming the opposite.”

“Aba’t tingnan mo ‘tong dalawang ‘to. Paupo-upo lang pala dito.” Napalingon ako sa pamilya ko na kasama si Kairo, Chate at isang lalaki na kamuka ni Chate, baka ito si Chat na kapwa napapalibutan ng mga guards.

“Nag-usap lang, Kuya Ei.” Depensa ni Kairen.

“Magnate Kairen, we already deployed agents to find Marchesa Nikole.” Chat informed kaya tumango na lang kami.

“Balik muna tayo sa condo, para makapagpahinga din kayo. May maghahanap na pala kay Ate Nikole eh.” Kinatanguan ng lahat ang suhestiyon ni Iza kaya naglakad na sila patungo doon.

Sila. Oo, hindi ako sasama. Hindi ako babalik hanggat wala si Nikole.

“Kuya, ‘di ka ba sasama?” they all glanced at my direction when Ririe asked that at tila lahat sila’y iniintay ang sagot ko.

“Tatawagan ko na lang kayo kapag napagod na ako o kaya tawagan niyo ako kapag may balita na kay Nikole.” Nilaksan ko ang boses ko upang madinig nila iyon dahil medyo malayo na sila mula sa aking posisyon.

“Sure ka, Kuya?”

“Ano ba, hayaan n’yong hanapin ni Iko girlfriend niya.” I heared them tease me kaya pinigilan ko na lang ang sarili kong magmura dahil nasa public place kami. Ayokong makakuha pa ng atensyon ng iba.

“Mag-ingat ka, Iko!” pamamaalam ni SaMo na kasalukuyang buhat-buhat si Mayi na tulog na naman ulit.

Hinatid ko muna sila ng tingin bago naglakad at nagpatuloy sa pagtatanong-tanong sa iba’t ibang taong makakasalubong ko kung nakita ba sila ni Nikole. Tinawagan ko sila Chate at Erasmus na balikan ako dito upang magtanong-tanong din. But at the end humiwalay din ako sa kanila para mas mabilis.

“Dove sei, Nikole?” where are you, Nikole? Tanging bulong ko sa sarili ko at inikot ko sa buong paligid ang paningin ko, nagbabalasakaling makita ko siya rito.

And then I saw someone in another street, our eyes were locked with each other. Hindi na ako nagdalawang isip na tumawid papuntang kabilang kalye ngunit nawala ang aking tingin sa kaniya noong naharangan ako ng isang malaking tao ngunit kalauna’y umalis na din.

Agad ko namang ibinalik ang tingin ko sa posisyon niya ngunit wala na akong kahit kaunting bakas niya ang natagpuan ko.

That guy was a perfect copy of me. From the shape of the face and tone of the body, akong-ako.

Baka namamalikmata lang ako dahil sa pagod. Imposibleng may ganu’ng tao na kahit damit ko ngayon ay parehas kami at pangalawa, wala naman akong kakambal. Ampotek, dumagdag pa tuloy sa iniisip ko.

Bumili muna ako ng tubig at tinapay sa isang bakery na nadaanan ko at umupo saglit sa isang maliit na fountain dito. Katabi nito ay ang mga street musicians kaya talagang maaliw ka habang nagpapahinga.

Habang kinakain ang tinapay ay nakatanggap ako ng text mula kay Kairo.

‘Kuya, maghahapon na. Tinatanong nila tita kung ayos ka lang daw ba? Hindi pa din daw nahahanap nung mga agents namin si Ate Nikole. Please reply, thank you, kuya! Ingat.’

Nagtipa ako sa aking cellphone ng isasagot ko sa kanila and then I send it to them. Hindi ko pa naiaalis ang tingin ko dito noong makatanggap na naman ako ng bagong text pero hindi galing kay Kairo. Galing ito sa kapatid niya, Kairen.

‘Looks like you’re already missing my missing sister, Nikola.’

Noong una’y naguluhan pa ako dahil puro missing ang nabasa ng aking mga mata but then I understand it after a few realization.

Yes, maybe he’s right. I really miss his missing sister right now.

Still, no traces of Nikole. Ampotek, saang sulok ka ba ng Italya nagsusuot, Nikole?

I can feel the heat of the sun hitting my whole face. It is already golden hour, at hindi ko pa din nakikita si Nikole.

Pumunta ako sa gallery ko at pinindot muli ang litrato doon ni Nikole. Hindi ako titigil hanggat hindi kita nahahanap, Nikole.

Tumayo na ako at pinagpag ang pantalon ko ngunit sa hindi ko inaasahang pangyayari ay dumulas ang phone ko sa aking kamay dahilan upang tumilapon ito palayo sa akin.

“Shit.”

Nataranta akong lumapit patungo doon sa phone ko na nakatihaya ngayon sa sahig. Akmang pupulutin ko na ito ngunit may nauna sa aking isang lalaki. Ipinagpag niya muna ang phone ko at sinuri kung may basag bago nakangiting ibinigay sa akin ito muli.

“Grazie.” Pagpapasalamat ko dito at nginitian siya.

“Ehi, stai cercando quella ragazza?” hey, are you looking for that girl?

Napakunot ang naking noo dahil sa kaniyang tanong ngunit noong tumagal ay tumango na lang din ako.

“Si.”

“I’ho vista poco fa.” I saw her a while ago.

My eyes glimmered with excitement before answering, “D-dove?” w-where?

“In quell labirinto, Signore.” In that maze, Sir.

“Grazie, Signore!”

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumasok sa loob ng maze. This maze was composed of high hedges with different flowers on it, this place was aesthetic but I don’t have any time to appreciate the beauty of it. My mind was already settled na nandito ako para mahanap si Nikole.

Ilang liko, ilang pagkakamali din ang nagawa ko, sinuyod ko na din yata ang bawat sulok nitong maze but at the end, here I am, ilang lakad na lang ay malapit na sa dulo nitong maze.

Maaring ang iba’y matutuwa dahil finally, after a few trial and errors ay nakalabas din sila. But me… walang katiting na bahid ng kaligayahan ang nadama ko. Dahil walang Nikole akong nakita doon sa loob ng maze. Leche.

I was left with no choice kun’di lumabas na lang sa maze at lutang na naglakad. I took few steps but then I stopped when I heard a familiar voice.

“Sinuelle, nandito ka din!”

My head sluggishly followed the origin of the familiar voice, and then I saw the person that my eyes keep on seeking her presence.

“Nikole…”


END OF CHAPTER
thana mormoraina
2020

The Entangled StringsWhere stories live. Discover now