26: omG

2.5K 108 30
                                    

JHOANA

"Tara na." anyaya ni Beatriz pagkatapos makuha ang mga cake para sa party ni Kuya Loel mamaya.

"Teka lang,-"

"Ano ba, Jho! Pagod na 'ko. Marami pa 'kong kailangan ayusin para sa party." tumaas na ang tono ng boses niya.

"Edi mauna ka na 'don." inirapan ko siya dahil minsan na nga lang ako makapunta sa mga cafè dito sa NYC, pagmamadaliin niya pa 'ko saka magkikita rin naman kami mamaya kaya hindi naman siguro masasayang ang oras na ibinigay sa'kin ni Kuya Loel para makasama ulit ang kapatid niya. Siya kasi ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon e. "How much is this?" tanong ko sa counter staff habang nakaturo sa red-velvet cheesecake.

"50$, Ma'am."

"I'll have a slice and do you serve any pancakes here?" tumango ito. "Blueberry pancakes, also." nagbayad na 'ko at tinignan kung nandito pa si Bea dahil bumili ako ng para sakaniya. Paborito kasi niya ang Blueberry Pancakes. Remember, 'yan lagi niya sa'king pinapakain tuwing umaga 'pag nasa apartment niya 'ko dati. "Leche, umalis nga talaga." nasabi ko na lang ng mapagtantong wala na siya sa buong place.

Nanatili muna ako rito habang kinakain ang cheesecake ko. Sobrang sarap, swear. Sana lang nandito pa si Bea para matikman niya rin 'to saka isa pa, ang romantic ng café kaya mas maganda talaga 'pag may kasama ako at hindi nag-iisa. Kung bakit kasi pinauna ko pa siya. Dapat pala pinilit ko na lang na hintayin niya 'ko. Malungkot akong nakatingin sa cheesecake ko isabay mo pa ang malungkot rin na kantang pinapatugtog sa loob ng café nang may biglang magsalita sa harapan ko.

"Tara na." nanlaki ang mata ko sa pamilyar na boses ng nagsalita.

Nag-angat ako ng tingin at agad na napangiti ng makita ko kung sino ito. "Akala ko iniwan mo na talaga ako."

"Iniwan naman na talaga kita," natigilan ako sa sinagot niya. "Pero nagi-snow na at hindi mo kakayanin ang lamig 'pag mag-isa ka lang umuwi kaya bumalik ako." at nakahinga ulit ng maluwag sa dinugtong niya. Bakit kasi hindi niya nalang pagsunod-sunorin ang mga sinasabi niya para hindi nakakapanakit ng hindi niya sinasadya. "Ano tara na. Tapos ka na rin naman kumain." aalis na sana siya ng mabilis ko siyang pigilan.

"Teka lang, kumain ka muna."

"Wala na 'kong oras para kumain pa."

"Binilhan kita ng blueberry pancakes. Ano, ayaw mo pa?"

"Ayoko."

"Ikaw talaga 'yung napaka-ungrateful, no?" sabi ko at inirapan siya. "Buti nga naalala pa kitang bilhan kahit iniwan mo 'ko."

"Sino bang may sabing mauna na 'ko?"

"Pero hindi naman ibig sabihin non, iwan mo talaga ako."

"Kung ayaw mo iwan ka, 'wag kang gumamit ng reverse psychology dahil hindi naman lahat, naiintindihan 'yang intensyon mo."

"Dami mong sinasabi. Kumain ka nalang kasi dito. Sinasayang mo lang 'yung pera ko pambili." ilang beses na ba kami nag-aaway kapag magkasama? Parang bawing bawi nito ang mga araw sa nakaraan na puro lang kami lambingan at tawanan ah.

"Fine. Napaka-persistent mo." sumuko na siya at umupo na sa harapan ko.

Wala sa katinuan kong ibinigay sakaniya ang pancakes at pinanood lamang siyang kumakain. Naalala ko lang kasi noon na siya ang pinaka-persistent sa'ming dalawa. Mahal na mahal niya nga 'ko dati at gustong gusto niya talaga akong makuha. It's just funny how things changed so fast and no one is to blame, but me.

Be My MistakeWhere stories live. Discover now