12: He Arrived as well as The Pain

2.9K 74 16
                                    

JHOANA

"Jho!" mabilis akong niyakap ni Nico pagkarating niya sa kwarto na pinatilihan din ni Beatriz bago siya umalis.

Ngumiti ako ng mahina pagkayakap ko sakaniya ng pabalik. Naiiyak ako dahil dapat masaya ako ngayon kasi sa wakas, umuwi narin ang lalaking malapit ko ng pakasalan pero bakit mas bumibigat ang damdamin ko? Ang mga bisig parin ni Bea ang hinahanap ng katawan ko. Bakit parang mas kumakalma ako sa bawat higpit ng yakap ng babaeng kinasanayan ko?

"Maga 'yung mata mo. May problema ba?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Nico.

Umiling ako at lumayo para umupo sa may kama. Hindi ko na ata kayang titigan si Nico lalo na't nagtaksil ako sakaniya ng wala siyang kaalam-alam.

"Naiyak lang ako kasi bumalik ka na." rason ko at saka kinuha ang aking maleta para makapag-ayos na'ko ng gamit dahil bukas narin naman ang alis namin dito sa Cebu.

"Miss na miss narin kita, Jho." ani niya ngunit wala na'kong masabi kaya nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.

Dahan-dahang nagsituluan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan dahil sa baka makita ni Nico 'pag dumating na siya.

Hindi parin ako makapaniwala na hindi ko na kasama si Beatriz. Hindi ko malubos maisip na nagawa ko lamang manood at umiyak habang nag-iimpake siya ng mga gamit niya kanina. Alam ng lahat kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ko ka-ayaw na mawala na siya sa piling ko pero wala na'kong ibang choice kundi piliin kung sino ang mas nauna.

Ayoko namang sopresahin si Nico sa pagsabi sakaniya na hindi ko na gustong magpakasal sakaniya dahil nagkaroon na'ko ng bago 'nung saglit na nawala siya.

Gusto ko munang malaman kung nawala na ba talaga ang nararamdaman ko sakaniya at nalipat na ng buo kay Beatriz o hindi ko lang naramdaman ang presensya niya ng ilang linggo kaya nahanap at naramdaman ko lang sa iba kaya inaakala kong hindi ko na siya mahal.

Takot akong magbitaw ng desisyon na hindi ko pa nasisigurado. Hindi biro 'tong pinasok ko kaya hindi rin dapat magiging madali sa'kin magbitaw ng desisyon.

"Jho, I think you don't have to pack your things yet." napalingon ako kay Nico sa sinabi niya. "Let's stay here for awhile. Cebu is indeed my favorite place. Let's roam around for the next days 'cause I miss you alot." pumunta siya sa harap ko at nginitian ako.

Ngumiti ako pabalik at tumango. "Yeah, I think we should." dahil baka, siguro, posible na bumalik pa 'yung dating nararamdaman ko sakaniya na baka naninibago lang talaga ako.

Kinabukasan ay nagising ako sa isang pamilyar na amoy ng pagkain. Bumangon ako at nakita si Nico na naghahanda ng pagkain.

"What are you doing?" tanong ko sakaniya habang nagkukusot ng mata.

Ngumiti siya, "I cooked breakfast for us." sagot niya.

"That's a first." pansin ko at tumayo na para tignan kung ano ang niluto niya.

"Well, felt like doing it." ani niya at ngumisi.

Nginitian ko lang siya at agad akong natigilan sa nakita ko. Maliit na bagay pero bumigat ang damdamin ko ng si Bea ang una kong maalala sa pancakes na nakahanda. Napapikit na lamang ako dahil hindi pwedeng maalala ko siya sa bawat ginagawa sa'kin ni Nico. Hindi 'yun nakakatulong sa pagbuo ko ng bagong relasyon kay Nico.

"Is there something wrong with the pancakes, Jho?" tanong ni Nico at agad akong umiling.

Umupo na kaming dalawa at sinimulan ng kumain habang si Nico ay nagke-kwento tungkol sa naging trabaho niya sa Thailand.

Be My MistakeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu