21: c'est fini

2.6K 81 24
                                    

JHOANA

"Mamimili muna ako." paalam ko kay Nico.

Lumapit siya sa'kin at ngumiti. "Samahan na kita. Wait, magpapalit lang ako ng damit." paalis na siya ng pigilan ko siya.

"Dito ka nalang. Bantayan mo nalang si Tita." sabi ko sakaniya at umalis na'ko ng kwarto.

Gusto ko munang mapag-isa dahil unti-unti na'kong nawawalan ng pag-asa kay Bea. Dalawang araw na ang lumipas nung huli ko siyang nakausap. Pagkatapos non ay hindi na niya ulit sinasagot ang mga tawag ko. Naiinis na'ko sakaniya kasi hindi ko siya maintindihan. Hindi niya lagi ako binibigyan ng mga dahilan sa mga ginagawa niya kaya ni minsan 'di ko malaman kung ano na bang balak niya sa'ming dalawa.

Nakarating ako ng Supermarket at nagsimula ng mamili. Sa totoo lang ay pilit ko nalang nililibang ang sarili ko dahil lunod na lunod na'ko sa pag-iisip kay Beatriz. Ang dami kong gustong sabihin at ipaliwanag sakaniya pero 'di niya naman ako hinahayaan. Mas lalo niya lang akong iniiwasan.

Nabalik ako sa katinuan ng makita ko ang kaibigan ni Bea. Siya 'yung nagalit sa'kin ng pumunta ako sa apartment nila. Gusto ko siyang lapitan dahil marami akong tanong na gusto kong sagutin niya tungkol kay Bea pero maalala ko palang ang galit na galit niyang mukha nung gabing 'yon ay parang pinanghihinaan ako ng loob.

Pa'no kung sigaw-sigawan niya lang ako dahil sa nangyayari sa'min ng kaibigan niya ngayon? Panigurado alam niya narin agad 'yun.

Nakakagat lang ako sa ibaba kong labi habang nagda-dalawang isip kung lalapitan ko pa o hindi nang biglang, "Jho." napa-atras ako ng paglingon ko ay nasa harap ko na siya, si Deanna.

Ilang akong ngumiti at nag-iwas ng tingin. "Oh, nandito ka pala." pagpapanggap ko.

"You didn't know? I went here 'cause you're staring at me for so long." ang tanga mo, Jho.

"Sa'yo ba 'ko nakatingin?" palusot ko pa.

Tumawa siya ng saglit bago magsalita ulit. "Tell me the truth. Is there something you want to say or ask?" sumeryoso ang mukha nito habang nakatitig sa'kin na pawang binabasa niya ang kung anong naiisip ko.

Huminga muna ako ng malalim at tinapangan ko na ang sarili ko dahil kung matatakot pa'ko ngayon ay masasayang ko lang ang tsansa ko na malaman kung anong sagot sa mga tanong sa isipan ko.

"I just wanted to talk to you about-"

"Bey, right?" tumango ako. "Okay, I also wanted to talk to you 'cause I know that you still have no idea on what's happening to my bestfriend." hanga ako sakaniya dahil alam na alam niya na ang mga pakay ko. "Well, we both know that she's not capable of hurting you. That's why I understand if she haven't told you about what she really felt the whole time you're with Nico." nakasunod lang ako sakaniya habang palabas kami ng Supermarket.

"Ano nga ba?" tanong ko nang makapasok na kami sa isang coffee shop sa tapat lang ng pinanggalingan namin.

"Do you want coffee?" she asked but I just shook my head no. She ordered first before turning her attention to me. "Bea and I had a fight again before she came to see you. She was really pissed at you and Nico after I showed her your picture wearing a wedding gown that your partner had sent me."

"Nico send that to you?" hindi makapaniwalang tanong ko sakaniya.

She nods, "Yes but I know that he has no bad intentions on sending that to me. Remember, 'di ka pa naman umaamin sakaniya na may relasyon ka sa kaibigan ko?" hindi na'ko nakasagot pa sa sobrang pagka-prangka niya. "He just send that because his asking me if your gown was suitable to the theme for your wedding." she explained.

Be My MistakeWhere stories live. Discover now