6: Jho's Ideal

3.6K 70 1
                                    

JHOANA

"Loaded works especially for you." sabi ni Jema nang ilagay nito ang sandamakmak na draft magazines sa aking mesa.

Nagtama ang aking mga kilay at sinamaan siya ng tingin. "Sa'kin lahat ng 'to?" naiirita kong tanong.

Para naman siyang natigilan. "Yeah,"

"But why?" naiinis parin ako dahil wala sa plano ko ang mag OT ngayon.

"Ah," umiwas ito ng tingin sabay balik sakin. "Kasi sabi mo kailangan mo ng maraming trabaho para mawala ang pagkalungkot mo dahil wala pa si Nico." paliwanag nito.

Napabuntong hininga ako at napahawak sa'king sintido. "Yeah, but napapagod rin naman ako." aking pagdadahilan.

Akalain mo 'yon, nakalimutan kong may Nico pa pala ako. Masyado nang nakuha ni Beatriz ang buong isipan ko kaya pati ang fiancé ko ay tuluyan ko ng hindi naiisip. Hindi ko narin plinano na mag overtime sa trabaho ko dahil gusto kong makapunta agad sa apartment niya dahil panigurado ay hinihintay na'ko non.

"You know what Jho, hindi kita maintindihan." nanliit ang mata niya sakin. "Parang nung isang araw lang gusto mong magpakalunod sa trabaho mo tapos ngayon nagrereklamo ka ng marami akong binibigay sa'yo." halos naghihinala nitong sabi.

"Hindi ko naman sinabing patayin mo na'ko sa dami ng binibigay mong trabaho." paninimula ko ng pagbibiro para hindi na lumalim pa 'yung iisipin niya.

"I'm just trying to help." nagkibit-balikat siya at tumawa. "Baka kasi mas mamatay ka kakaisip kay Nico." pang-aasar niya ngunit imbis na matawa ako kay natigilan naman ako agad.

Mas papatay sa'kin ang pagtataksil na ginagawa ko sakaniya. Hindi ko alam kung pa'no ko aaminin sakaniya kung bakit.

Kung bakit nahulog ako sa babaeng kakakilala ko lang.
Kung bakit mas pinipili ko ngayon si Beatriz kaysa sakaniya.
Kung bakit mas nasisiyahan akong kasama ang babaeng saglit ko lang nakasama kaysa sa hintayin ang pagdating niya.
Kung bakit hindi ako natatakot sumugal ngayon para sakaniya na kahit ikakasal na'ko ay tinutuloy ko parin ang kung ano mang pagkakamaling mayroon sa pagitan namin.

"Hey Jho," naagaw ni Jema ang atensyon ko. "You're spacing out. Is there something wrong?" nag-aalala niyang tanong.

Agad akong umiling. "Wala naman." sagot ko at mabilis na inayos na ang aking gamit. "I'll go ahead. Hatiin mo 'yan at 'di ko matatapos 'yang lahat." bilin ko 'dun sa maraming drafts na ibinigay niya sa'kin kanina.

"Aalis ka na?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yah, I have some errands to do pa."

"Sama nalang rin ako sayo." aalis na sana ito para ayusin ang gamit niya ng pigilan ko siya kaagad.

"Don't. It's a personal errands. Mind if you give me some privacy?" ngumiti ako para mapaniwala siya.

"Oh sorry, sige na alis ka na nga." ngumuso siya at pabiro akong tinutulak palabas.

Tumawa lang ako at napailing. "Bye sis, love you!" habol kong sigaw para marinig niya habang papalakad paalis.

Nakarating ako sa apartment ni Beatriz at kumatok. Bumukas agad ito ng wala pang ilang segundo.

"Excited na excited na makita ako?" natatawa kong asar sakaniya.

"Nahalata mo ba?" natawa rin siya at pinapasok na'ko sa loob.

Sinalubong naman ako ng isang masarap na amoy galing sa kusina. "What's that smell?" halos nakangiti kong tanong.

Be My MistakeWhere stories live. Discover now