20: Feels unreal

2.3K 88 16
                                    

JHOANA

"I'm so disappointed at you, Jho." pagkatalikod niya ay balak ko siyang habulin.
Gusto ko siyang patigilin sa pag-alis. Gusto kong magpaliwanag ulit sakaniya hanggang sa maintindihan niya na'ko dahil hindi ko matatanggap sa sarili ko kung sakaling mawala man siya sa'kin.

Pinilit kong humakbang ngunit napabagsak lang ako sa sobrang panghihina. Hindi ako naniniwalang nangyayari 'to. Unang araw palang na minahal ko si Bea ay alam ko ng 'di niya ko kayang iwan. Nagtatampo lang siya ngayon dahil madalas ko ng nakakasama si Nico. Naiinis lang siya dahil hanggang ngayon sobrang duwag ko parin at hindi ko magawang makipaghiwalay kay Nico. Lahat ng 'to ay panandalian lang. Lilipas lang rin ang lahat ng 'yon. Babalikan niya din ako dahil gano'n ang kilala kong Beatriz. 'Di niya ako sinusukuan.

Pinunasan ko ang basang basa kong mukha dahil sa pinaghalong ulan at mga luha. Napayuko na lamang ako habang yakap-yakap ko ang aking mga binti. Gusto ko lang gisingin ang sarili ko mula sa pinakamalungkot na panaginip na nangyayari ngayon.

"Gising, Jhoana." nanginginig kong bulong sa sarili ko. "Babawi ka pa kay Beatriz dahil matagal na kayong 'di nagkikita. Miss na miss mo na siya, diba?" pinipilit kong makumbinsi na hindi nga 'to totoo.
Baka tinatakot lang ako dahil marami na'kong pagkukulang sakaniya at dapat na'kong bumawi bago pa siya mawala.

I'am desperately hitting my head for so how many times now but everything still seems the same. I'm still emotionally fucked up. I'm still trembling with fears and I couldn't even move. This feels like hell. It's like there something inside my chest that's making me suffocated.

"Jho! Jho!" nagmulat ako ng mata at tanging puti lamang ang aking nakikita. "Thanks God, gising ka na." agad akong napabangon ng makita ko si Nico sa paningin ko. "Are you okay?" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Natigilan ako ng maalala ko ang mga masasamang pangyayari sa'ming dalawa ni Bea. "Panaginip lang 'yon?" gustong kong matuwa dahil hindi 'yon totoo.
Ginigising nga ako ni Nico, diba? Ibig sabihin nanggaling lang 'yon sa mahaba kong tulog. Napapikit ako ng makaramdam ako ng kirot sa may dibdib ko. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Kung panaginip lang 'to, bakit ramdam na ramdam ko ang eksaktong pakiramdam ko sa panaginip na 'yon. Bakit parang totoong nangyari ang mga 'yon?

"Jho, bakit? Anong nararamdaman mo?" napa-angat ako ng tingin kay Nico.

"Ang sama ng panaginip ko, ramdam ko parin hanggang ngayon." naluluha kong sabi sakaniya.

"Baka epekto lang 'yan ng gamot na itinurok sa'yo nung nahimatay ka kagabi." napatitig ako sakaniya ng mabuti habang pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko.

"Nahimatay?"

"Yes Jho, you passed out last night. May nakakita sa'yo sa harap ng Ospital. Nakahandusay ka at wala kang malay. Alalang-alala ako sa'yo, alam mo ba 'yon? Basang basa ka ng ulan-" natigilan siya ng mabilis kong kuhanin ang phone ko at tumakbo palabas ng kwarto.

Natanggal ang nakakabit sa'king dextrose kaya mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pumunta ako sa may elevator papuntang rooftop. Kahit namamaga na ang kamay ko sa sakit ay nagawa ko paring tawagan ang number ni Bea.

Hindi pwede 'to. Hindi ako papayag na totoo lahat ng akala kong nasa panaginip ko. Mahal na mahal ako ni Beatriz, pa'no mangyayari 'yon! Nagsisituluan na ang mga luha ko sa sobrang pagkalito. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko pero pinagdarasal ko na sana pabor parin samin ang langit. Sana 'di talaga kami paghiwalayin kung sakaling nangyari nga ang kinakatakutan kong pangyayari kagabi.

Be My MistakeWhere stories live. Discover now