23: If You Met Me First

2.2K 104 25
                                    

JHOANA

Manghang-mangha akong naglalakad habang nakikita kung gaano kaganda ang NYC. Kararating ko lamang dito pero magaan na agad ang pakiramdam ko sa lugar na kahit pa mag-isa lang akong nandito at walang kakilala ay hindi ako natatakot. Isa pa, isa 'to sa mga dream place ko. Sikat ang NYC dahil sa maunlad nitong industriya pagdating sa fashion. Sa katunayan, dapat matagal na 'kong nandito kung tinanggap ko lang 'yung promotion ko para dito na magtrabaho. Kung pumayag lang si Nico dati, edi sana masaya na 'kong naninirahan dito.

Pero syempre kung pumunta nga naman ako dito ay hindi ko makikilala si Beatriz kaya kahit papaano ay nagpapasalamat parin ako na hinadlangan ako ni Nico noon. Kahit gaano pa kaganda at ka-unlad 'tong NYC, hindi parin mawawala sa isip ko ang talagang pakay ko kung bakit ako nandito. Iyon ang hanapin siya at subukang pabalikin kami sa isa't isa.

Marami agad akong nakitang seafood restaurants at streetfoods habang nililibot ang lungsod. Nilista ko ang mga 'yon dahil balak kong yayain si Bea na kumain kami dito kung sakaling magka-ayos na kami dahil knowing us, eto ang pinakagusto naming ginagawa ng magkasama, ang kumain which is sobrang namimiss ko ng gawin kasama siya. Walong buwan narin ang nakakalipas, hindi ko parin makakalimutan kahit ang mga kaunting bagay na ginagawa naming magkasama.

Sumakay ako sa taxi dahil papunta na 'ko sa address na ibinigay sa'kin ni Deanna. Walang kasiguraduhan kung nandito pa nga siya sa ibinigay sa'king address pero nandito na 'ko at wala na 'kong magagawa kundi sumugal ng sumugal para lang mahanap siya.

Hininto ako ng driver sa tapat ng isang napakataas at napakalaking mamahaling hotel. Hindi narin ako magtataka kung dito siya nakatira. Talaga nga namang napakayaman nito ni Beatriz. Pumasok ako sa loob at dumeretso sa clerk para magtanong.

"Excuse me," tawag ko sa receptionist. "May I ask if you have a female guest here named Beatriz de Leon?" I asked politely.

Iniscan niya ang logs niya at tumango. "Yes Ma'am, what are your connections with Ms. Beatriz?" mabilis na tumalon ang puso ko sa saya ng makumpirma na dito nga siya nananatili.

"Um, I just want to ask her room number, may I? I'm her girlfriend." tanong ko ng nakangiti.

"Sorry Ma'am but I can't do that due to privacy policy of our guest." halos matigilan ako sa sinabi niya.

Pa'no naman niya malalaman na nandito ako sa hotel na tinutuluyan niya, ni hindi niya nga binabasa 'yung mga message ko sakaniya na bumyahe ako dito sa US para lang makita siya e.

"Can you atleast call her just to inform that I'm here?" I suggested hoping that this thing will work.

"That's okay. May I ask your name?"

"Jho. Jhoana Maraguinot." tumawag na siya at taimtim lamang akong nakatitig sakaniya habang nagsasalita siya sa kabilang linya. Nagdarasal na rin ako sa loob-loob ko. Binaba niya na ang telepono at napa-ayos ako ng tayo.

"I'm sorry, Ma'am but according to Ms. Beatriz, she didn't know you." agad nagtama ang mga kilay ko sa sinabi niya.

"That's not true. She knows me. She knows me more than anyone else. That's impossible!" 'di ko na mapigilan ang sarili ko at tumaas na ang tono ng boses ko. "Miss, are you sure that you told her my name? As in Jhoana Maraguinot? 'Cause I think you said the wrong pronounciation."

"Yes Ma'am, I'm sure that I told her your exact name."

Napahawak ako sa'king sintido habang umiiling-iling dahil hindi ako makapaniwalang sasabihin niyang hindi niya 'ko kilala. Gano'n na niya ba ako ka-ayaw makita para ipagtabuyan nalang ng basta-basta? Kahit na isipin niya man lang 'yung efforts at sacrifices na iginugol ko para lang makapunta dito at makasama siya? Gano'n niya na ba talaga kadaling itapon ang lahat ng pinagsamahan namin, ang lahat ng pinaglaban naming dalawa para lang sa relasyon namin?

Be My MistakeOnde histórias criam vida. Descubra agora