13: Back Pleasure

3.1K 75 10
                                    

BEATRIZ

"Broken, huh? Super unusual naman 'non!" halos nang-aasar na sambit ni Deanna.

Inirapan ko lamang siya at inubos na ang pang-apat na bote ko ng beer. Nandito kami sa Valkyrie kung saan kami laging pumupunta ni Deanna dati bago ko pa makilala si Jho. Dito ko rin nakikilala 'yung mga babaeng nauuwi ko at syempre dahil sa sobrang kakaiba ni Jhoana, siya 'yung unang babaeng sineryoso ko kasi unang una, hindi mo siya matatagpuan sa mga ganitong klaseng club. Napakainosente nga 'nun 'nung una ko siyang nakilala.

"Bro, for sure makakahanap ka rin ng kapalit niya dito." inakbayan ako ni Deanna at saka nagturo ng mga babaeng sumasayaw sa gitna. "Look at that girl! She's EJ Laure. She's new but the way she flirts," napahinto siya ng kagatin niya ang ibaba niyang labi habang malagkit na nakatitig sa babaeng tinutukoy niya.

"Dude, don't set me up to someone you already like." I looked at her with a disgusted face.

"Look who's talking. The one who fell inlove with a girl who's already with somebody else."

"Gago ka talaga." siniko ko siya ng mahina at patawa tawa lamang siya.

"Siya bahala ka na 'jan. Ayaw mong magpatukso kaya ako nalang ang magpapatukso." tumayo siya at tumakbo papunta sa babaeng tinuturo niya sa'kin kanina.

Loko talaga 'tong si Deanna.

Naiwan na ako mag-isa dito sa table namin. Umorder pa'ko ng limang bote ng beer at isa-isa itong tinungga habang pilit na iniiwasan ang pag-iisip kay Jho. Alam ko namang malabo 'yun pero wala namang mawawala kung susubok ako ng susubok, diba? Isang linggo narin ang nakalipas mula nang maghiwalay kaming dalawa at kahit anong pilit ko sakaniya na ako nalang piliin niya, si Nico parin ang nagwawagi sa puso niya.

'Mas magaling pa'ko sa kama kaysa 'don.' napangisi nalang ako sa sinabi ko sa sarili ko. Lasing na nga talaga ako. Kahit mag practice pa siya ng magdamag 'dyan, wala paring tatalo sa galing ko. Isa pa, panigurado mas angat ako sakaniya kung usapang pasisiyahin si Jho. Kaya lang naman siya 'yung patuloy na pinipili kasi siya 'yung nauna. If Jho met me first, for sure, she'll chose me. Wait, no. Kung mas nauna niya akong nakilala, wala na siyang pipiliin pang iba kasi ako na'to e. Bea de Leon na'to. She can't cheat on me. I've got it all.

Naubos ko ang pang walo kong bote. Nahihilo na'ko pero alam kong umiiyak ako. Ramdam ko 'yung paulit-ulit na sakit sa dibdib ko.

This is the total opposite from what I imagined our relationship would be. I didn't really expected this to happen. She, choosing Nico over me? That was ridiculous!

Hindi ako manhid para hindi maramdaman kung gaano ako kahalaga sakaniya. Hindi rin ako tanga para hindi malaman na mas mahal niya 'ko kaysa sa fiancé niya. Alam ko na higit lang sa pagiging parausan ang tingin niya sa'kin. Inside those 2 fucking weeks, I know that we created a much more special relationship that everyone could ever imagine. The feelings were mutual and it was wonderful.

"Didn't expect to see you like this." napalingon ako sa babaeng tumabi sa'kin. "Lucky you, you're still damn hot eventhough you're crying." ngumisi siya at tumungga ng whiskey.

"What are you doing here?" tanong ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Resting, I guess."

"Same."

"You don't look like you're resting. Stop joking around." natigilan ako sa sinabi niya. Tanga nga naman. Pa'no naging pahinga ang pag-iisip kay Jho? Lagi niya 'kong binibigyan ng sakit sa puso. "So what's the story?" prangka niyang tanong.

Be My MistakeWhere stories live. Discover now