10: Almost Dreaming

2.9K 75 8
                                    

JHOANA

Hindi ba talaga ako susuyuin nitong si Beatriz? Hindi na'ko mapakali dahil ilang oras na nakakalipas ay hindi parin ako kinakausap. Parang kasalanan ko pang naiinis ako sa sobrang lagkit ng tingin niya 'dun kay Baron.

Nakatalukbong parin ako kaya hindi ko alam ang ginagawa niya. Sumilip ako saglit at hindi ko makita miski anino ni Beatriz. Sa'n na nagpunta 'yun?

Kinuha ko ang phone ko at nakitang may message sa'kin si Nico, an hour ago.

"Gonna be back after two days. See you, Hon."

Unang pumasok sa isip ko si Bea. Wala ako halos maramdaman kundi ang takot na mawawala na siya sa'kin. Hindi ko pa kaya. Kahit anong gawin ko, hindi ko magawang ihanda ang sarili ko sa paglayo sakaniya dahil una palang naman, wala naman talaga sa plano 'kong iwan siya.

Naiiyak na'ko at alam kong si Bea lang naman ang magpapakalma sa'kin sa puntong ito. Napatayo ako at tinignan ang bawat sulok ng kwarto pero wala paring bakas ng isang Bea de Leon. Dito na'ko sobrang kinakabahan. Baka nabasa niya 'yung message. Baka siya na mismo 'yung umalis. Baka iniwan niya na'ko.

"Jho." napalingon ako at nakita ko si Bea na may hawak na bouquet of flowers. "I think this will help to.." 'Di na siya natapos dahil agad ko na siyang niyakap ng sobrang higpit. 'Yung mararamdaman niyang kahit anong mangyari ay hindi ko siya pakakawalan. "Bakit? Umiiyak ka ba?" pinalingon niya 'ko sakaniya at nakita niya ang pamamaga ng mata ko sa sobrang iyak. "I'm sorry, Jho. Kung ano mang ginawa ko sayo kaya ka nagagalit sa'kin, I'm really sorry." naiinis ako, bakit siya pa ang humihingi ng pasensya.

"Wag mo'ko iiwan ha," halos pagmamakaawa ko. Hindi siya sumagot kaya mas lalong napahigpit ang yakap ko sakaniya. "Bea please tell me, hindi mo'ko iiwan. Hindi na'ko magseselos kay Baron. Hindi na'ko magtatampo, just please, 'wag ka na ulit mawawala sa paningin ko."

Lumayo siya ng kaunti para makita niya ang mukha ko. She cupped my face as she smiles at me. "Is that the reason to your sudden change of mood kanina? Kasi nagseselos ka sa'min ni Baron?" hindi ako sumagot. "Bakit ka naman magseselos, hindi nga kami magkakilala saka 'di kami nag-uusap." natatawa niyang sambit.

Napanguso ako ng maalala ko 'yung mga tingin niya kay Majoy kanina. "Hindi nga kayo nag-usap, sobra naman 'yang mga tinginan mo sakaniya. Parang anytime iimbitahin mo na 'yan makipagchukchakan sa'yo eh."

"Napakajudger ng isang Jhoana Maraguinot." naiiling niyang sabi.

"Just stating the fact. Ganyan ginawa mo sa'kin eh."

"Sayo. Sayo. Kasi si Jho ikaw and hindi ko na ulit gagawin 'yon kasi una, hindi siya si Jho at pangalawa, ikaw nga si Jho."

Napaiwas ako ng tingin habang pinipigilan ang ngiti na nabubuo sa mga labi ko. Ang rupok.

"Kilig ka na naman sa'kin." asar niya at ginulo ang buhok ko. "Bouquet of sunflowers, to the girl I love the most." binigay niya sa'kin ang mga sunflowers at hinalikan niya 'ko sa may labi. "You 'wanna watch the night seawaves with me?" pag-anyaya niya at ini-offer sa'kin ang kamay niya.

"Of course, my love." ngumiti ako at tinanggap 'yon.

Nag-ayos muna ako saglit at sinuot ang red two-piece na bathing suit ko at pinatungan ko naman ito ng laced cardigan ko.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng Villa papunta sa may beach. Ito 'yung gabing ayaw ko nalang matapos. Sa oras na'to, ayoko na malaman ang mga lumilipas na araw dahil palungkot lang ng palungkot. Habang nalilipas ang araw, mas lumalapit ang tsansa na mapapalayo narin siya sa'kin.

Be My MistakeWhere stories live. Discover now