19: all about the Tears

2.5K 83 30
                                    

BEATRIZ

Unti-unting bumabagsak na ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. The more na pinipigilan kong hindi umiyak habang kinukumbinsi ang sarili ko na okay lang ang lahat at baka hindi lang sinasadya ni Jho ang magsinungaling, the more na nasasaktan ako at pinapatay ako ng katotohanang nagawa nga talaga niya 'yun sa'kin.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay. Hindi ko rin alam kung hanggang saan ako dadalhin ng tapang ko para ipaglaban pa kung anong meron kaming dalawa ni Jho at ang mas worst pa, 'di ko narin alam kung sumasagi pa ba ako sa isipan niya ngayon o bumabalik na rin siya sa dating siya na ang mahal ay si Nico?

"PUTANGINA!" wala sa malay kong napahampas ako sa manibela.

Sa sobrang inis at galit ko ngayon, sino ba dapat ang sisihin ko? Si Jho parin ba o akong nagpapaka-manhid nalang para lang maisalba 'tong binuo naming relasyon para sa isa't isa?

Pagkabalik ko ng apartment ay napahiga na lang ako sa sobrang panghihina. Gusto kong kumbinsihin nalang ang sarili ko na pagod lang 'to. Hindi ako papadala sa kung anong mang maramdaman kong galit ngayon.

At the end of this bullshits, sa'kin parin naman ang bagsak ni Jhoana diba? Ako parin naman ang pipiliin niya ngayon diba? Kami parin sa dulo diba? It's funny how these questions are still the same questions that I'm asking myself before. Is this some kind of déjà vu? Ako na naman ba ang talo sa dulo? Ako na naman ba ang maiiwanang mag-isa katulad ng nakaraan? Tangina how come na 'di ako natututo?

Nagring ang phone ko at agad akong napabangon ng akalain kong si Jho 'yon pero si Mom pala. Humiga nalang ako ulit at 'di na sinagot ang tawag. Hindi narin naman gumagana ang utak ko ngayon kaya huwag nalang muna.

"Bey, gising na." iminulat ko ng saglit ang aking mga mata para malaman kung sino ang kanina pa sa'king nanggigising. "Sobrang haba na ng tulog mo baka byaheng langit na 'yan." natatawang asar ni Deanna.

'Di ko siya pinansin at mas lalong isiniksik ang ulo ko sa mga unan. Wala akong lakas para bumangon. Ito na ata ang totoong ibig sabihin ng pagod. 'Yung tipong hindi ka na makagalaw sa pinaghalong sakit at lungkot na nangingibabaw sa sistema ko ngayon.

"Pinapatawag tayo ni Nico. May kailangan daw pag-usapan." panimula na naman niya. "Kailan ba ang deadline ng pakikipaghiwalay ni Jho kay Nico? Baka sa sobrang luwag mo sakaniya eh abutin na 'yan ng kasal hanggang sa mawalan na ng choice 'yan si Jho na tumanggi." salamat, sobrang nakakatulong ka. "May nangyari ba, Bea?" bumangon ako mula sa pagkakahiga at humarap sakaniya.

"Pwede 'wag muna ngayon? Gusto ko muna magpahinga." halos pagmamakaawa ko narin sakaniya.

"When will you start fighting-"

"Ang tagal ko ng pinaglalaban 'yung relasyon namin, Deanna." pinutol ko na ang sasabihin niya dahil nagsisimula narin akong mairita.

"No, bey. When will you start fighting for yourself?" natigilan ako sa sinabi niya. "Lagi mo nalang iniisip ang kapakanan ni Jho without even knowing na kailangan mo din isipin 'yung nararamdaman mo."

"Gano'n naman talaga 'pag nagmamahal-"

"Hindi ganyan ang pagmamahal. Katangahan yan." napalunok ako sa 'di inaasahang pagiging prangka ni Deanna. "Kailangan sa isang relasyon may 'give and take'. Sa sitwasyon niyo ngayon parang ikaw nalang ang bigay ng bigay e."

Napatungo na lamang ako. Wala naman na akong dapat pang depensahan sa mga sinasabi sa'kin ni Deanna ngayon e. Lahat ng 'yon totoo at kahit anong paraan ang gawin ko para lang linlangin ang sarili ko na okay parin kami ni Jho ay imposible dahil miski si Deanna ay nakukumbinsi narin ako na 'di na nga talaga kami okay. May mga pagbabago na talagang nangyari sa sitwasyon namin ngayon.

Be My MistakeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora