72. Kumusta Ka?

26 1 0
                                    

Kumusta ka?
Kaharap mo na naman ba ang iyong telepono at nagtitipa?
Nasagutan ba ng mga likes at shares ang iyong nadarama?
Nakatulong ba ang bilang ng mga hearts sa IG sa iyong pag-iisa?

Kumusta ka?
Gumigising kana lang ba para matapos ang araw at gumabi?
Nagkukulong ka ba sa iyong kwarto para lang humikbi?
Nagpapatangay kana lang ba sa agos ng buhay palagi?

Kumusta ka?
Sa klase ay palagi ka bang wala sa sarili at tulala?
Nakikingiti, tumatawa para lang masabing masaya
Nakikipagbiruan sa kaibigan para kunwari okay ka?

Kumusta ka?
Ang iyong mga matang walang buhay ay patuloy sa pagkurap
Lahat ba ng sakit, lungkot at pag-iisa ay dinadaan mo sa pagsulat?
Sa mga tulang pilit itinutugma ay may nakatago palang paghihirap

Kumusta ka?
Sa araw-araw na ginawa ay palagi kang walang gana
May kung anong hinahanap na dati'y sayo'y nagpasaya
Alam mong may kulang sayo na nagiging dahilan ng lahat ng ito

Hindi na ko magtatanong dahil alam kong naguguluhan ka
Para kang naliligaw na pusa sa isang lugar na banyaga
Naghahanap ka ng pupuno jan sa kawalang iyong nadarama
Naghahanap ng dahilan kung bakit ka nandito at nagtatyaga

Sana'y dumating ang araw na mapanatag rin ang iyong kalooban
Mahanap mo sana ang mga sagot sa iyong mga katanungan
Makukuha mo rin ang pinapangarap mong maging tunay na masaya
At sa araw na iyon saka ko itatanong sayo kumusta ka?

Unsaid WordsWhere stories live. Discover now