100. Ulan

15 1 0
                                    

Ulan na nagbibigay buhay sa mga halaman
Ulan na nakakapawi sa uhaw ng kalupaan
Ulan na importante sa ating kalikasan
Ulan na nagpaparamdam sakin ng kalungkutan

Bakit sa tuwing umuulan ay bumibigat ang aking saloobin
Sa simoy na syang dala ng basang lupain
Mistulang nagtataglay ng sakit ang ihip ng hangin
Sa patuloy na pagpatak ng ulan ay sya ring kirot ng aking damdamin

Ulan na tila nagdudulot ng agam-agam
Sa gitna ng ulan na tayo lang ang nakaka-alam
Ulan na syang saksi sa pag-ibig na naparam
Sa pagitan ng kumusta at paalam

Sa ilalim ng ulan kung saan naiwan tayong luhaan
Dala ng makulimlim na langit ang sakit na ating nararamdaman
Sa ihip ng hangin at pagbuhos ng ulan
Dalawang puso ang tinangay ng kapalaran

Ulan na dala ng mabibigat na kaulapan
Sa dalawang taong ibig lamang magmahalan
Ulan na pabugso-bugso sa kalangitan
Sa pagtila ng ulan ikaw ay tuluyang lumisan

*****

Inspired by Our Asymptotic Love Story written by Binibining Mia.

Unsaid WordsWhere stories live. Discover now