28. Asimptotang Pag-ibig

45 1 0
                                    

This poem is based on the story Our Asymptotic Love Story by UndeniablyGorgeous. If you haven't read it yet, then read it first because this poem is totally going to spoil you.

-----

Sa mga panahong nagdaan
Hindi lumipas ang ating pagmamahalan
Ngunit sa simula pa lang ang ating pag-iibigan ay mahigpit nang pinagbabawalan
Maraming dahilan kung bakit ayaw nila tayong magkatuluyan
Maraming mga taong sagabal sa ating pagmamahalan

Sa unang pagkakataon ay malinaw na hindi dapat
Ngunit una kitang nasilayan alam kong kakayanin ko ang hirap
Pagkakataon man nating dalawa ay sobrang mailap
Ngunit itong puso ko'y pumintig ng mabilis sa isang kurap

Alam kong ikaw na sa una palang
Pero ano nga bang magagawa natin kung pati tadhana ay hadlang?
Anung magagawa ng dalawang pusong nagmamahalan?
Kung pati sitwasyon nati'y mapaglinlang

Sa ikalawang pagkakataon ay muling naisulat lahat
Mga pangyayaring nagdulot ng sakit at paghihirap
Mga kaganapang gumising sa aking ulirat
Na ikaw pa rin ang iibigin ng walang sukat

Ngunit hindi pa rin pala pwede
Hindi pa rin maaari
Muli na namang naulit ang nakaraan
Kung saan tayo'y nagkahiwalay lamang

Isa lamang ba tong asimptotika?
Na dahan-dahang magkakalapit
Ngunit sa huli ay hindi naman magkokonekta
Na pinaglapit lang pala para paghiwalayin ang dalawang linya

Sa ikatlong pagkakataon ay muli na naman tayong nagtagpo
Nagkamabutihan at sa isa't-isa'y nagkagusto
Nagkalapit na naman ang damdamin sa isa't-isa
Napamahal ng di inaasahang mangyayaring bigla

Ngunit hanggang doon lamang pala
Dahil sa huli ay nakatakdang maging malapit lang tayong dalawa
Isang kabanatang matatapos rin
At isang kwentong lilipas din

Bagama't walang nakontento
Humiling muli ng huling pagkakataon
Sa ika-apat at huling tyansa
Ibinigay muli ang pag-iibigang tinamasa

At tayo nga'y naging masaya
Muli uling nagmahalan ang dalawang pusong sabik sa isa
Muling gumalaw ang pluma at isinulat ang nakatakda
Na tayo nga'y mapalapit lamang sa isa't-isa

Ngunit itong istorya ay para lang asimptota
Na imbis na guhit, ang ginamit ay tayong dalawa
Unti-unting mapapalapit, magkakamabutihan at mapapamahal
Pero hanggang dun lang pala, dahil maghihiwalay rin tayong dalawa

Sa huling kabanata ng kwentong ito
Sa lawa ng luha ay syang nagkita tayo
Ang bulong ng hangin, ang dilim na hatid ng makulimlim na kalangitan at ang direksyon ng ulan
Ay patuloy pa ring itinuturo ang daan papunta sa iyo

Sa huling pagkakataon ay wala pa ring inaasahang tayo
Pagkat dumating ka para magpaalam, para hindi na matuloy pa ang sumpa
Dahil ang pag-iibigang ito ay sa simula palang isa ng asimptota
At tayong dalawa ang kumakatawan sa linya

Unsaid WordsWhere stories live. Discover now