CHAPTER 26: Part 1 - SPIRITS

Start from the beginning
                                    

"I-I think it's the old man. Remember the old man that we met, Jimin? I think it has something to do with him." I said but JM didn't responded and he frowned even more after I said that.

"Why would you even bother to go back, for just a damn phone." JM angrily said and he deeply exhaled.

Nabigla ako sa sinabi niyang 'yon, but he's right. It's my fault.

"S-Sorry." Mahinang sabi ko.

"Ugh. Whatever." JM murmured and then he left.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko dahil ito ang unang pagkakataon na ginanon niya ako. I'm seldomly sensitive sa mga sinasabi ng iba sa akin or even my friends and family pero bakit iba yung sakit pag sa kanya nanggaling?

Pinipigil ko na lang ang pagpatak ng mga luha ko nang mga oras na 'yon hanggang sa maramdaman kong dumampi ang kamay ni Jerra sa likuran ko dahilan para bumagsak ng tuluyan ang mga luha ko. Dali-dali akong tumakbo papalayo sa kanilang lahat at humanap ako ng pwesto kung saan hindi nila ako makikita.

Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit na hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko at kasabay noon ang pagtagad ng luha mula sa gilid ng aking mga mata. Finally may nakita akong isang bench na nasa ilalim ng puno at tapat nito ang isang malawak na damuhan at doon ko napagdesisyunan na umupo.

I leaned against the bench at saka ko ibinuhos ang lahat ng emosyon ko habang nakatingin sa malayo.

Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ka-grabe ang iyak ko. It's just a couple of words from him pero ganito yung epekto.

"Jerra leave me. Gusto kong mapag-isa." I said nang maramdaman kong may tumapik sa likod ko habang pinapahid ko ang luha sa aking mga mata.

"Ngayon nga lang tayo ulit nagkita e, gusto mo na naman akong paalisin." Tugon sa akin ng isang pamilyar na boses ng isang babae.

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko na nasundan niya pala ako. The lady in white na nakita ko kanina.

"L-Lia?." Na-uutal kong wika at isang matamis na ngiti ng isang kaibigan ang itinugon niya sa akin.

She is Maria Natalia Rodriguez Abellara, my long lost bestfriend. Nahiwalay siya sa aming tatlo nila Jerra and we lost contact with each other when she decided na lumipat ng ibang school during highschool.

"Hindi mo pa rin pala nalilimutan ang palayaw ko." Sabi niya na bahagyang nakapagpangiti sa akin dahil naalala kong ako pala mismo ang nagbigay sa kanya ng nickname na yon, since masyadong sinauna pakinggan ang Maria.

"A-Ano.. B-Bakit ka nandito?" Tanong na ibinungad ko sa kanya.

"It's not the time para alamin yan sa ngayon. The most important thing that I must do now is to comfort you." Tugon niya sa akin.

Napahinga na lang ako ng malalim at muli akong tumingin sa malayo.

"Say something. Ilabas mo lahat sa akin kung anong nararamdaman mo. It will help to ease the chaotic emotions inside you." Sambit niya muli at siya na naming nagsimula ang muling pagbagsak ng mga luha ko.

"T-Totoo pa no.." Sambit ko but she remained quiet na tila nag-aantay ng kasunod.

"It's true that as how he brought you so much happiness is also the amount of pain that he can give you." I said as tears fell from my eyes.

She didn't gave me any reply matapos kong sabihin iyon. Instead, she just gave me a warm hug.

Inilabas ko ang lahat ng nararamdaman ko. I cried as I can hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now